Mga kaluluwa sa ‘Yolanda’

KALUNUS-lunos ang sinapit ng isang pamilya nang sila’y mamatay sa sunog sa kanilang tolda sa Barangay Brava Costa, San Jose, Tacloban City. Sa Oriental na paniniwala, Chinese Buddhist feng shui, atbp., ang paghinghi ng paumanhin ng pamunuan, sa nangyari sa Samar at Leyte ay turan ang Ikalawang Aquino, ay kailangan pagkatapos ng trahedya, kundi’y parang isinumpa ang kanyang lupain at magaganap ang sunud-sunod na kalamidad. At nangyari na nga iyan pagkatapos ng Luneta hostage. At nangyari na nga ang sunud-sunod na kalamidad, trahedya, madugong mga aksidente sa kalye.

Sa relihiyong Katolika, higit sa lahat ay ang paggalang, pagbibigay-pugay at araw-araw na pag-aalala’t pagdarasal sa mga kaluluwa ng mga namatay sa bagyong Yolanda. Ang novena sa namatay ay siyam na araw. Ang novena sa mga kaluluwa sa purgatoryo ay siyam na araw. Ang novena sa tulong ng Our Lady of Mt. Carmel (ang punong simbahan at nasa Broadway st., New Manila, Quezon City, na itinuturing na simbahan ng mayayaman pero bukas sa mahihirap), ay regular na idinarasal dahil kailangang iligtas ang napakaraming kaluluwa, na araw-araw ay nadaragdagan ang bilang. Sa pagdarasal ng “Ang

Sumasampalayata,” nanaog sa impiyerno ang Panginoon, pakay ang pagliligtas sa maililigtas. Sa araw-araw na debosyon sa mga kaluluwa sa purgatoryo, naroon ang Birheng Maria, pakay ang pagliligtas sa mailiigtas. Sa pagtatapos ng bawat misteryo ng Rosaryo, naroon ang “…Hanguin mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo, lalung lalo na ang mga wala nang nakaaalala.”

Isang araw pagkatapos manalasa ang bagyong Yolanda, ayaw ni Aquino na dumami ang bilang ng mga patay kaya’t isang opisyal ng pulisya ang nasibak nang sabihin niyang baka nga umabot ng 10,000 sa Tacloban pa lamang. “Mabuti’t buhay ka pa,” ang pakli sa kanya ng nainis.

Sa Oriental na paniniwala, may kaugnay sa sumpa’t ngalit ang pagkamatay ng pamilya sa sunog sa tolda. Sa mga taga-Tacloban, di tuwiran, pero maaaring nag-uugat sa sa-litang sumpa’t gaba. Hindi isinumpa’t pinatawan ng gaba ang mga namatay sa tolda, kundi turan ang mga lider ng bansa, lalo na ang mga mapagkunwari.

Panfilo Lacson, rehab czar? Hoy, hindi mo pa nare-rehab ang Samar at Leyte. Ano nga ba ang aasahan, at maasahan, sa isang pulis pagdating sa rehab sa Samar at Leyte? Nasaan ang iyong environmental at climate change adaptation planners, coastal community planning and development specialist, social and demographics specialist, structural engineer at architectural planners, geographic system specialist, land-use planner, land records specialist, atbp.? Ang bawat isa ay kailangang italaga at pag-aralan ang bawat barangay. Hindi sila dapat magbigay ng ulat-kabuuan dahil ang naganap sa Maragondon ay hindi naganap sa Imus. Ang lakas mo talaga sa pangulo, Lacson. Maaaring hindi mo na kailangan ang payong Kabitenyo: mag-aral ka pa.

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Sana po, ngayong pasukan, magkaroon ako ng laptop para magamit ko sa pag-aaral sa college. Ako po si Airalyn T. Baclea-an, ng Barangay Burgos Sitio, Basey, Samar. 0907-7307388

Dito sa North Cotabato, mas marami ang brownout kesa may kuryente. Nasaan na ang tuwid na daan at kung walang korap walang mahirap ni P-Noy? …9115

No way to Ayong Maliksi. Yes to Riza or Bem in PCSO. …6943

Mayor Oca galing sa China. Kasama pa sina Vice Maca at mga konsehal. Kawawa naman mga taga-Caloocan. Kailangang kapampagin natin ang administrasyon ni Oca. Kailangang ipaliwanag niya sa bayan ang pagkakadawit sa kanya ni Napoles. …5993

READ NEXT
Source of joy
Read more...