Makapag-aasawa ka | Bandera

Makapag-aasawa ka

Joseph Greenfield - May 30, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Vener ng Clarin, Misamis  Occidental
Dear Sir Greenfield,
Sa totoo lang ay ayaw ko pang mag-asawa.  Pero sa edad kong 26 ay nangangamba na ang nanay ko na baka tumandang dalaga na ako, tulad ng dalawang tiya ko.  Pero humahanga ako sa mga tiya ko na old maid dahil hindi sila nawawalan ng pera at sila ang takbuhan ng mga kamag-anak na nangangailangan.  Palipat-lipat lang ako ng trabaho.  May natapos din naman ako na kurso sa kolehiyo kaya okey lang na palipat-lipat ako ng trabaho.  Balak kong mag-apply uli sa iba, matanggap kaya ako?  Kailan ba ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Umaasa,
Vener ng Clarin, Misamis Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Meron kang malinaw na Marriage Line (arrow 1.) at magandang Heart Line (arrow 2-2 2) sa palad. Ibig sabihin ay siguradong magkaka-boyfriend ka hanggang sa tuluyang makapag-aasawa ka. Samantala ang magandang Heart Line naman ang nagsasabing kapag nakapag-asawa ka na, ang itatayo ninyong pamilya ay sigurado ring magiging maligaya.
Cartomancy:
Five of Clubs, Ace of Clubs, at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bukod sa pag-aasawa, sa kasalukuyan mong career, uunlad at makapaglalakbay ka. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending