One on One with Dawn Zulueta: Tatak ni Dawn

NI JULIE BONIFACIO

TUMATAK sa mundo ng pelikula ang pangalan ni Dawn Zulueta.

Hindi lang  isa sa mga magagandang mukha sa makulay na mundo ng showbiz, nagmarka rin siya bilang isang mahusay na aktres.

Pero pansamantala siyang nawala sa limelight upang harapin ang isa na mapaghamong role sa kanyang personal life, ang pagiging isang mabuting asawa at  ina.

Pagkatapos ng ilang taon ay nagbalik si Dawn sa telebisyon. Napatunayan niya na hindi pa kumukupas ang kanyang galing sa pag-arte sa huli niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Mula Sa Puso.

At ngayon, muli siyang mapapanood sa bagong higanteng teleserye ng Kapamilya network kung saan tampok din ang balik-tambalan nila ng dati niyang real-and reel partner na si Richard Gomez, ang Walang Hanggan na magsisimula na sa Lunes ng gabi, Jan. 16.

Fortunately,  naka-one-on-one ng BANDERA si Dawn kung saan marami siyang  pinakawalang mga rebelasyon.


BANDERA: Ano ang significance sa ‘yo ng 2012?

DAWN ZULUETA: Ang significance sa akin ng 2012, oh well, positive sa akin kasi excited ako dahil I’m included in this really very big project sa ABS-CBN. I just came from doing the teleserye, ‘yung Mula Sa Puso, which fortunately became a hit.

And then ngayon in-offer ‘to sa akin na bukod sa napakalaking project, kasama ko pa itong mga bateranong artista na matagal ko nang gustong makatrabaho.

And then, nag-reunite pa kami ni Richard on screen. So, that’s another thing to look forward to. It’s a very memorable project. Kaya kahit hindi ko pa sana gusto pa sana magtrabaho right away kasi after ng Mula Sa Puso gusto ko sanang magpahinga, e, napasabak agad ako sa trabaho.

B: Saan mo sana planong magpahinga kung hindi natuloy ang Walang Hanggan?
DZ: Wala naman, dito lang. Just to spend time with my kids. I just wanted, ah, my son goes to school. My daughter started going to school. So, I just wanted to be a housewife. And then, let see kung may magandang project na dumating. Dumating nga. Hahaha! Heto agad.

B: Nagreklamo ba ang mister mo na si Davao Rep. Anton Lagdameo na magiging busy ka na naman sa pagti-taping?
DZ: Hindi naman, hindi naman kasi nagpaalam naman ako. Sinabi ko pareho naman ang schedule, MWF. So, may cut-off naman. ‘Day, hindi na tayo pwedeng ganyan, ‘yung puspusan ang work.

Parang hindi na priority sa akin ‘yung mga ganu’ng klaseng schedule. Ang mga anak ko kasi ang inisiip ko. So, tama lang sa akin ‘yung MWF. Sagad na ‘yun. My kids? Oh, well, Jacobo is six years old and Ayesha is two and a half.

B: Alam ba ng mga anak mo na ang kanilang ina ay isang sikat at respetadong aktres sa showbiz?
DZ: Aware naman sila, (ngiti ni Dawn). Kasi napapanood din nila ako sa TV. Parang si Jacobo naiintindihan na niya na pretend lang.

Kasi dati nagtatanong siya, e, bakit  ganu’n? Bakit ako sinasabuyan ng asido? Bakit ako kinukulong?

Sabi niya, ‘Mama, they’re bad people. Don’t go to work anymore,’ sabi niya. Huwag na raw  akong pumasok, E, sabi ko, ‘No, no. It’s just work. It’s pretend. They’re Mama’s friend. We’re only pretending.’

Ay, hindi pa nakumbinse, sabi niya, ‘I will go with you. I will go with you to the set so that I can watch over you.’ Six years old ‘to, ha. So nakakatuwa  pero I  think ngayon naiintindihan na niya. So, when he watches me on TV, he asks, ‘That’s only pretend ‘di ba Mom?’ Sabi ko, ‘Yeah.’

B: At ngayon pa lang alam mo nang meron kang protector, di ba?
DZ: Oo, (ang) lambing ng boy ko.

B: Sobra mo bang na-miss ang showbiz nu’ng nawala ka?
DZ: I have, yes, I missed  performing. Pero siyempre ang hirap kasi dahil ‘yung mga projects na dumarating kailangan ko talagang piliin kasi hindi naman lahat ng dumarating na project sa akin feel kong gawin.

B: Ano ‘yung priority project mo?
DZ: ‘Yung mga ganitong klaseng ka-big at ganitong klaseng istorya talaga, e, ‘yung wow, ang ganda. Dramang-drama. Gaya rin nu’ng ginawa ko sa Mula Sa Puso, maganda rin ‘yung istorya.

Hit din siya, ‘yung mga ganu’n. Challenge ‘yun para sa amin kung paano naming gagawing hit ulit. ‘Yung mga ganu’ng klaseng criteria.

B: Anong reaksyon ni Anton nu’ng nalaman niya na magkakatrabaho ulit kayo ng ex-boyfriend mong si Richard Gomez?
DZ: Wala, kay Anton, ‘Gaano ka katagal mawawala?’ ‘Yun lang naman ang tanong niya, e. ‘Ah, may cut-off ka ba? Ilang araw ka magtatrabaho.

‘Yun lang ang concern niya. ‘Saan ang mga shooting ninyo? Malalayo? Out-of-town,’ ganu’n. ‘Sige, sige.’ In other words, his only concern is my security, ‘yung safety ko that I’m not, you know, ‘yung parang hindi ako masyadong nag-aano sa trabaho.

B: How many times ka umuuwi sa Davao?
DZ: Hindi, dito naman talaga kami. We moved here parang seven years ago but we still keep our home in Davao. Anton, he has to fly every week to Davao. He’s a congressman, so, siyempre kailangan din niyang bisitahin ‘yung constituents niya.

Pero kami dahil nag-aaral ‘yung mga bata dito, ako may trabaho, dito kami talaga.

B: What a coincidence naman na ang asawa n’yo ni Richard ay parehong nagtatrabaho sa Congress? Si Lucy Torres na misis ni Richard ay Congresswoman sa Ormoc habang si Anton naman  is a Congressman from Davao.
DZ: Dahil nga doon pareho kaming Congressional spouse. Member kami pareho ng foundation, the Congressional Spouses Foundation. And take note, siya ‘yung treasurer.

Kaya kapag kailangan ko kumuha ng pondo para sa livelihood project, kailangan ko pang hingin ang signature niya, ganu’n. Ako pa ang nagre-request.

Alam mo minsan nga nagkita kami sa isang general assembly ng Congressional Spouses, ‘yung first time nga, binulong ko sa kanya, sabi ko, ‘Goma, tingnan mo tayo, sino’ng mag-aakala one day.’ Hahahaha!

‘Na magiging kagalang-galang tayong dalawa.’ Eto, tingnan mo, kasama namin Gina de Venecia, mga ano. Ha-hahaha! Nakakatuwa nga, e, sabi ko, parang may second career.

B: May posisyon ka rin ba sa Congressional Spouses?
DZ: Wala, hindi ako active. I just attend if I can. Pero si Goma, nag-officer siya. Kasama talaga siya, well, chief of staff siya ni Lucy but even with the foundation he’s part of the Board of Directors. Kaya nga, treasurer siya. Busy nga siya. Doon nga siya nakatira sa Batasan. Kung minsan-minsan lang pumupunta doon.

B: May pagkakataon ba na pumapasok na sa isip mo ang politika?
DZ: Hindi, wala talaga akong plano at hindi ko gusto. I’m happy doing what I do. I’d rather be working in what I do best. Why should I try to dip my toes into something na ‘di ko kabisado?

B: Ganyan din daw ang sinabi noon ng Star For All Seasons na si Vilma Santos na ngayon ay gobernadora na ng Batangas.
DZ: Owww? Nakakatakot. Ganu’n din ba? Pero ewan ko lang, ha. Well, si Anton second term na niya ‘to. Next year mangangampanya na naman kami niyan bale for his last term.

B: What if kung si Anton na mismo ang mag-request after ng last term niya sa Congress?
DZ: I don’t think magre-request siya. Alam niya na ayaw ko.

B: May isyu na lumabas noon na kaya raw nagdesisyon ka na bumalik sa showbiz ay dahil gusto mong magkaroon ng sariling pera.
DZ: Well, there’s nothing wrong with wanting your own money.

But ah, I went back because I wanted to work again. I stopped working for what, parang 10 years ba or less? Nawala ako for less than 10 years.

Wala akong ginawa kundi maging housewife. I tried a life na out of showbusiness and then I missed it. Pero bumalik muna ako as hosting-hosting, ‘yung mga ganyan. Kasi I didn’t have much time. But even if that were the reason, so, what? I mean,

I think nowadays a woman with a husband who can very well take care of  her needs, even she wants to have her own money can work. So, what’s wrong with that ‘di ba?

B: May listahan ka ba ng iyong top list for 2012?
DZ: D’yosko, I need to lose weight. Hahahaha! I need to add more exercise. I need it for my health. ‘Yan ang matagal ko nang sinasabi sa sarili ko na kailangan talagang dagdagan ko ‘yung regimen ko with something physical.

Like my physical activities or just badminton or ballet. But I really need to that. Ngayon hindi ko magawa kasi nagti-taping kami, e, puyat ako palagi.

Siyempre ang pangalawa, pangalagaan ko ng mabuti ang mga anak ko. Lumalaki sila how fast, e.

Parang lumilipas ang isang buwan, ‘Ha? Ganu’n na ba? Nagsasalita na siya  ng ganyan?

Parang hindi ko ata napansin.’ ‘Yung mga milestones nila minsan nagugulat na lang ako. That’s another thing I want to pay more attention too, the kids, so even no matter how busy I am I have to be able to focus pa rin on them.

Third, maka-travel ako abroad with my husband. Kasi ang tagal na namin hindi nagbabakasyon together.

B: Nagwi-wish ka ba na magkaroon ng acting award sa TV?
DZ: No, I mean it’s always good to be recognized but kung sabihin mo na goal ko ‘yan, goal ko na mag-uwi, hindi. I mean, my goal is to work on something that I enjoy.

That’s why it’s not worth it for me to accept any project. I have to want it. I have to like the role that I have to portray.

If by portraying that role, I portrayed it so well that people noticed me and  give me an award siyempre, thank you. Pero hindi doon ang focus.

Read more...