Sarap ulit-ulitin ng movie nina Coco Martin at Sarah Geronimo na kasalukuyang humahataw sa takilya, ang “Maybe This Time” ng Star Cinema at Viva Films directed by Jerry Sineneng. Maaga pa lang ay may pila na agad sa mga sinehan noong opening day sa Trinoma, huh!
Balita nga namin dumagundong ang hiyawan ng fans pagdating nina Sarah at Coco sa premiere night sa Megamall last Tuesday. Dinig na dinig sa buong Megamall building ang sigawan ng fans nina Sarah at Coco. At kahit dalawang sinehan na ang kinuha ng Star Cinema nu’ng premiere night, e, nagsisiksikan pa rin ang mga tao.
As expected, mahusay si Sarah sa movie. Sa true lang, every time napapanood namin si Sarah sa bawat movie niya, pataas nang pataas ang level ng husay niya sa pag-arte. Hindi kami ganoon ka-close kay Sarah pero ewan ba naming at type naming panoorin ang mga pelikula niya.
In fact, kasama kami sa Cebu nu’ng nag-premiere night doon ang first movie ni Sarah with John Lloyd Cruz na “A Very Special Love.” Susme, neneng-nene pa noon si Sarah at laging nakadikit ang kanyang butihing ina na si Mommy Divine. Nakasama rin namin noon sa US si Sarah at Mommy Divine during the Kapamilya Caravan para sa TFC.
And now, hindi namin naisip na makikipag-sabayan siya ng acting sa leading man niya na knows naman nating lahat kung gaano kahusay at multi-awarded actor, ‘di ba?
Naku, magugulat kayo sa ending dahil for the first time may ginawa si Sarah sa “Maybe This Time” na bawal na bawal sa kanya, haha!
Ayaw namin sabihin kasi baka maging spoiler kami ‘no. It’s better na panoorin ninyo na lang ang movie. At tiyak, mai-in love kayo kay Coco sa “Maybe This Time” dahil ito ang pinakagwapo niyang pelikula, so far.