Mga fans nina Marian at Dingdong tinawag na ‘mangga’ si Antoinette

DINGDONG DANTES, MARIAN RIVERA AT ANTOINETTE TAUS

FEELING namin, ayaw na talagang makatrabaho pa ni Dingdong Dantes ang ex-girlfriend na si Antoinette Taus. Naniniwala kami na hindi naman makakatulong ang nagbabalik-showbiz na aktres sa career ng boyfriend ni Marian Rivera.

Pero sa huling interview ng entertainment press kay Dingdong sa presscon ng bago niyang primetime series sa GMA 7, ito ngang Ang Dalawang Mrs. Real kasama sina Lovi Poe at Maricel Soriano, nagpaka-gentleman lang ang Primetime King ng Siyete sa pagsasabing bukas siya sa pakikipagtrabaho uli kay Antoinette.

But in fairness, hindi rin naman diretsong sinabi ni Dingdong na payag siya ang naging statement niya ay, “Siguro pag-usapan natin ‘pag nandoon na. I’m sure naman, hindi naman mahirap mangyari ‘yun dahil maliit lang naman talaga ang mundo ng show business.

“Pero siyempre, hangga’t wala naman, ayaw ko rin naman siyang pag-usapan dahil mahirap din namang mag-speculate at magkaroon ng ganoong klase ng senaryo na hindi pa naman nagagawa,” chika ni Dong na ingat na ingat sa bawat bibitiwang salita dahil baka nga naman ma-offend niya si Antoinette at ma-hurt niya si Marian.

Hindi ba siya naiinis dahil sa bawat interview sa ex-dyowa niya ay puro sila ni Marian ang topic? “Well, hindi naman maiiwasan yun,” he said. “Pero to begin with, there’s really nothing to talk about. Kumbaga, we have our own things to do. I think, we have to concentrate on that.”

“Ang masasabi ko lang diyan, as once part of Viva family and being part of GMA, siyempre, siguro masasabi naming ‘welcome back.’ Maganda na ang isang mula rin sa Viva ay nagbabalik at, siyempre, nagbibigay-pugay sa kung saan siya talaga nagsimula,” hirit pa ng aktor.

In fairness, ayaw na ring patulan ni Antoinette ang fans nina Marian at Dingdong na nagsasabing gamit na gamit niya ang Primetime King and Queen sa kanyang pagbabalik sa showbiz. “Mangga” na nga ang tawag sa kanya ng mga fans, as in “manggagamit”.

Read more...