Dena, ng Barangay Baliwasan, Zamboanga City
Problema:
1. Limang taon na akong may asawa pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak. Taun-taon ay nagbabakasyon ang asawa ko dahil seaman siya at habang narito siya ay hindi namin sinasayang ang bawat sandali para makabuo na kami. Pero, wala pa rin.
2. Aaminin kong hindi ako naghihikahos bagaman hindi naman super yaman. Pero, malungkot pa rin dahil ang kulang na lang ay anak. Magkakaanak ba kami? Ilan? Kailan? Babae ba o lalaki?
Umaasa,
Dena, ng Barangay Baliwasan, Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ay nagsasabing kung isang Sagittarius ang iyong mister, sa taon 2014, sa tatlong huling mga buwan, ay mabubuntis ka at paglipas ng siyam na buwan, isang malusog na babaeng sanggol ang isisilang.
Num
Ang birth date mo ay nagsasabing mapalad ka sa taon 2015, dahil ang 2015 ay may suma-total 5. Ang numero, tulad din ng numero ng kapanganakan mo, ay nagpapahiwatig ng babaing sanggol na siyang unang magiging anak ninyo ng mister mo.
Graphology/Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang tinurang pag-aanalisa sa itaas lagi kang gumamit ng kulay na pula, lalo na sa inyong silid, habang lagyan mo ng bilog na buntot ang ilalim na bahagi ng letrang “g”, sa iyong apelido. Sa ganyang lagda at pagamit ng kulay na pula, sigurado ang magaganap – magkaka-baby na kayong at ang inyong samahan ay ganap ng magiging maligaya.
Dena, ayon sa iyong kapalaran matatapos na rin ang nakakainip na paghihintay, dahil sa taon 2015, isang babaing supling ang mabubuo sa iyong sinapupunan, malusog na babaing sanggol ang kukumpleto sa masayang pagsasama ninyong mag-asawa.