NAGULAT kami sa naging reaksyon ng mga taga-Star Magic nang mabanggit naming nakita naming magkasama sina JM de Guzman at Jessy Mendiola sa Greenhills branch nu’ng Lunes ng gabi.
Bagamat aware kami na nali-link ang dalawa noon pa ay hindi naman kami naging conscious na obserbahan sila nu’ng gabing magkasama sila dahil nga ang alam namin ay tumigil na si JM sa panliligaw sa dalaga base sa kuwento niya nu’ng presscon ng Angelito,
Batang Ama dahil nga kailangan nilang mag-concentrate sa kanilang respective careers.
At may punto rin naman ang Star Magic na pagbawalan silang magkita dahil nga may kani-kanya silang ka-loveteam, si JM kay Charee Pineda at si Jessy naman kay Gerald Anderson sa Budoy.
Sa nakaraang grand presscon ng Walang Hanggan ay narinig namin ang pangalan ni JM kaya nabanggit naming nakita namin siyang kasama si Jessy at nagulat nga kami sa reaksyon ng mga taga-Star Magic.
“Shucks! Talaga? Saan? Kaloka!” gulat na tanong sa amin ng aming kausap, “Hindi na talaga mapigilan,” sabi pa ng aming source.
Kaya ang balik-tanong namin, “Sila ba?” na sinagot naman ng aming kausap ng, “Oo, naku, ewan ko sa kanila. Hindi mapagsabihan.”
Natawa naman kami sa dagdag chika ng aming source, “Nakakaloka! Ikaw na naman ang nakakita? Lagi ka na lang may nahuhuli sa mga alaga namin!” Na sinagot namin ng, “Pakalat-kalat kasi sila.
Puwede naman sa bahay na lang magkita, tapos kapag nasulat sila, magde-deny sila?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.