Zsa Zsa mahal na mahal pa rin si Dolphy kahit may bago nang dyowa


Kitang-kita ang kakaibang aura ngayon ng ating Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla, alam na nating lahat na super in love siya sa architect na si Conrad Onglao at ipinagsigawan na rin niya sa buong mundo ang kanilang relasyon.

Kahapon, nag-celebrate ng kanyang 50th birthday si Zsa Zsa, at kasabay nito, muli niyang ipinahayag ang kanyang pagmamahal sa dati niyang partner, ang ating Comedy King na si Mang Dolphy.

This despite the fact nga na meron na siyang bagong pag-ibig. Sey ng Divine Diva, habangbuhay nang mananatili si Pidol sa kanyang puso kahit na magmahal pa siya ng ibang lalaki.

“To my past love, you shall be forever in my heart. I love you endlessly. Not a day goes by that I don’t remember you. I pray that you are in a happy place with Jesus,” post ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram account kung saan makikita rin ang mga litrato niya kasama ang kanyang pamilya sa espesyal na araw ng kanyang buhay.

Bukod dito, nag-post din siya ng mensahe para kay Conrad, nagpasalamat siya rito for  “teaching me to love again.” “To my present love, I pray that this too, shall last a lifetime.

Thank you for teaching me to love again! And for filling my heart with joy and putting the smile back on my face. You inspire me to do greater things!” says Zsa Zsa.

Noong Linggo, nakita ng madlang pipol ang pagbati nang live ni Mr. Onglao kay Zsa Zsa sa ASAP  para sa kaarawan ng singer-actress.

( bandera.ph file photo )

Read more...