Maja, sana di na ako iwan ni Matteo!

“I’m the late bride,” biro ni Maja Salvador when she came late for the media huddle for “Weddings & Debuts,” which will be staged at the SM Megatrade halls, 1, 2, 3 on Feb. 17, 18 and 19.

Si Maja ang kinuhang endorser ng event kaya naman natanong siya kung may wedding plans na sila ni Matteo Guidicelli.

“Sana siya na. Sana last na si Matteo. Sana ‘di na niya ako pakawalan,” say ni Maja.

Pero hindi naman nagmamadali si Maja na pakasalan si Matteo. Ayon sa aktres, she’ll tie the knot kapag 30 na siya.

“Dahan-dahan lang kami. Para lang kaming puppy love, textmate, soulmate kasi hindi kami halos nagkikita. Sa schedule po ay magkaiba kami ng trabaho.

Thankful na lang kami at may movie kami together, ang ‘My Cactus Heart’ at doon na lang kami nagkikita,” esplika ng dalaga.


Sabi pa ni Maja, malambing si Matteo. “Alam niyang pakiligin ang girlfriend niya. Alam niyang bumawi.”

At ang pagkakaiba ni Matteo sa ibang lalaki ay ito, “Kung ang iba po laging may bulaklak, siya iba.”

Kinikilig na ikinuwento ni Maja ang gentlemanly ways ng kanyang boyfriend, “Minsan nag-iiwan siya ng note. Kunwari malayo ‘yung location ko, meron siyang ipapadalang food.

‘Pag alam niyang pagod na pagod na ako, pagod din siya dahil kaka-pack-up lang ng My Binondo Girl taping niya, ita-try niyang pumunta sa set ko para lang kumustahin lang kung okay lang ako. Siya ‘yung laging nag-e-effort.”

“Weddings & Debuts” 2012 is sponsored by wedding specialist Edd Sy, Nice Print digital photo and video services, AMI Jewels and Juan Carlo the Caterer.

Read more...