Heat lamang sa Pacers, 3-1

MATAPOS ang malam-yang paglalaro sa unang tatlong laro ng serye ay humataw ng 25 puntos si Chris Bosh para tulungan ang Miami Heat sa pagtala ng 102-90 panalo at 3-1 kalamangan sa Eastern Conference finals kontra Indiana Pacers.

Nag-ambag naman ng 32 puntos at 10 rebounds si LeBron James at 15 puntos si Dwyane Wade para sa Heat na lumamang ng 23 puntos sa third period.

Pakay ng Heat na makapasok sa NBA Finals sa ikaapat na diretsong taon at masungkit ang kanilang ikatlong diretsong kampeonato.

Umpisa pa lang ng laban ay umarangkada na ang Miami sa pamumuno ni Bosh na iniskor ang unang walong puntos ng Heat sa  laro. Si Paul George ay may 23 puntos at si David West ay may 20 puntos at  12 boards para sa Pacers.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...