Pelikula nina Coco at Sarah huhusgahan na ngayon


Ngayon na ang showing ng latest offering ng Star Cinema at Viva Films na “Maybe This Time” starring Sarah Geronimo and Coco Martin with Ruffa Gutierrez.

In fairness, lahat ng nakakausap namin, talagang pipila raw sila sa first day of showing pa lang. Gusto raw kasi nilang mapanood agad kung pwede nang palitan ni Coco si John Lloyd Cruz bilang Box-Office King ng Box-Office Queen na si Sarah.

Sa trailer pa lang daw kasi ay curious na sila kung paano tatakbo ang kuwento at kung matindi rin ang chemistry nila sa big screen.

Kaya kung ako sa inyo, hindi rin kami magpapahuli! Watch din kami today ng “Maybe This Time” dahil feeling namin, ito ang magiging trending topic everywhere!

( Photo credit to sarah geronimo official fanpage )

READ NEXT
Hard start
Read more...