Naniniwala kami na hindi lang gimik ang pagiging sweet sa isa’t isa nina Kim Chiu at Xian Lim.
Kitang-kita namin ang pagiging sincere ni Xian sa kanyang leading lady sa primetime series na My Binondo Girl sa ginanap thanksgiving presscon na ibinigay ng ABS-CBN recently.
Kumbinsido rin kami na talagang love na love na ni Xian si Kim dahil nga umamin na ito na pinopormahan na niya ang dalaga.
At mukhang believable naman ang sinabi ni Xian na hindi niya ginagamit si Kim para lang sumikat at magpatuloy ang kanyang career sa showbiz.
Pero ang obvious ay ang feelings ni Kim, sa tingin namin parang may reservation pa siyang napi-feel para kay Xian dahil parang nandu’n pa ‘yung trauma niya sa naging relasyon nila ni Gerald Anderson.
Parang natatakot na siyang magmahal uli dahil ayaw na niyang masaktan.
Pero halatang kilig na kilig ang dalaga sa mga ginagawa sa kanya ni Xian.
Pag-amin ni Kim, “These past few months na almost every day kaming magkasama, nakilala ko siya nang husto. Nahihiya pa siya noong una, pero no’ng nagtagal-tagal, nag-o-open up na siya.
Dati, ’yung mga jokes niya, walang dating sa akin. Pero ngayon, meron na. Bakit? Kasi friends na kami!” natatawang chika ni Kim.
So, pwedeng mag-level up ang kanilang friendship? “Masyado pang maaga para masabi ‘yun, pero masayang kasama si Xian,” sagot ng Primetime Princess ng ABS-CBN.
Naging usap-usapan din sa nasabing thanksgiving presscon ng My Binondo Girl na one week na lang mapapanood sa Primetime Bida ng Dos, ang sinasabing “sweetest thing” na ginawa ni Xian kay Kim – ito ang pag-hire ng binata ng isang choir para haranahin si Kim.
Mismong ang direktor ng kanilang serye ang nagbuking nito sa press.
“A, siyempre nagulat ako. Tanong ko do’n sa choir, ‘Taga-saan kayo? Anong meron?’ Akala ko kasi magsu-solicit o magka-caroling! Kaya sabi ko sa kanila (co-stars, ‘Sila muna. Sunod na lang ako.’ E, sabi naman ng choir, wala raw bayad.
May nag-utos lang daw sa kanila na kantahan ako.
“Tapos nu’ng kumakanta na, lumabas si Xian. May dalang bulaklak,” kinikilig na chika ni Kim na halos umabot na ang kanyang mahabang hair sa EDSA. Ha-hahaha!
“Siyempre, nakakagulat at nakakatuwa. Lalo na nu’ng lumabas na siya habang kumakanta ang choir. “And ’yon, nakakatuwa.
Nakakatuwa. Siyempre, I don’t want to talk na parang wala lang sa akin iyon. Siyempre, pusong-babae naman ako,” dagdag hirit pa ng dalaga.
Paano siya makukumbinse na talagang sincere si Xian sa kanyang panliligaw? “Ah, depende. Siyempre, I want to take things slow. And dahan-dahan lang para sigurado ka talaga sa nararamdaman mo.
Kasi hindi naman ako nagmamadali, e. And kilig-kilig lang muna. Hanggang du’n lang muna.”
E, ano nga ba ang quality ni Xian na talagang pinakagusto niya? “Si Xian, hopeless romantic type of guy. Lumang tao… parang ganu’n.
Sa physical naman, siyempre ‘yung tindig niya, matangkad, ganyan. Hi-hihihi!” sagot ni Kim na parang kinikiliti sa sobrang pagkakilig.
Abangan ang huling linggo ng My Binondo Girl sa ABS-CBN at alamin kung ano nga ba ang magiging ending ng love affair nina Andy at Jade. May pasabog din daw ang isa pang leading man ni Kim na si Onyx (Jolo Revilla) sa finale episode ng number one teleserye ngayon sa primetime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.