Emotional sweating

GOOD day, doc. Bakit kaya ako nakakaranas nang pag-ihi nang paulit-ulit lalo na sa gabi? May nagbigay ng gamot na sambong (Remoston) 500mg okay kaya ito? Thank you! — John, 61, Maynila

Magandang araw sa iyo John. Ang madalas na pag-ihi ay sintomas na may pagbabara sa ihian na bunga ng pamamaga o paglaki ng “prostate gland.” Ang “benign prostatic hyperplasia” ay nangyayari sa karamihan ng mga kalalakihan pagtuntong sa edad na 50 at pataas. Kailangan mo ng “trans-rectal ultrasound of the prostate” at “psa (prostatic specific antigen). bibigyan ka ng gamot ng iyong urologist.

Ako po si Judylyn, 15, Zambales. Doc, namamasa po ang kili-kili ko at palagi po itong nangangamoy. Ginawa ko po ang lahat at malinis naman po ako sa katawan, pero bakit ayaw maalis? Sana po ay matulungan n’yo ako.

Doc, ako po si Mae, 43, Novaliches, Quezon City. Good morning po. How much po ba ang hyperhyrosis? Pag ginawa po ba ito ay di na mangangamoy at papawisan ang kili-kili ko?

Good am po doc, I’m Shane Amonte of Calamba, Laguna, 23 years old. Ako po ay may body odor, nagpapawis lagi ang kili-kili ko mula pa noong 21 ako. Magkano po ba magpa-surgery? Kasi po kahit anong gamot ko rito ay ganoon pa rin po. Wait ko po ang sagot nyo. Salamat po, dok.

Dear Shane, Judlyn and Mae. Dahil pare-pareho naman ang problem ninyo, sabay ko na rin itong sasagutin. Ang “focal hyperhidrosis” ay ang labis na pagpapawis sa isang parte ng katawan lamang gaya ng kili-kili. “Emotional sweating” ang tawag dito. Malaking impluwensya ang stress at ang pagtugon sa stress. Nagi-ging mabaho lang ang kili-kili kapag nakulob ang pawis at mayroong impeksyon. Ang unang hakbang ay ang hygiene. Panatiliing malinis ang kilikili. Gumamit ng roll-on antiperspirant at uminom ng antibiotic (Dalacin C 300 mg. once a day for two weeks).

Maaring magamit din ang botox injections. Hindi pa kinakailangan ng surgery. Ayusin lang ang muna ang psycho-emotional status ninyo.

Read more...