Kalat na: Claudine namatay daw sa Drug Overdose


Bossing Ervin, nabalita bang nag-overdose at namatay si Claudine Barretto? Ang nabalitaan kasi namin ay bati na sila ng Mon Tulfo at nagpa-picture pa nga sa kapatid nitong si Raffy Tulfo na kumalat sa social media bukod pa sa nagpa-interview siya noong nakaraang linggo at may picture rin siya kasama ang Star Cinema managing producer na si Ms. Malou Santos at Star TV executive Roxy Liquigan.

Kaya namin ito naitanong ay dahil nagpadala ng mensahe ang mommy Inday Barretto ng aktres na nililinaw na hindi namatay ang anak niya dahil sa drug overdose.

Base sa mensahe ni Mrs. Barretto sa isang news reporter, “For you kind info that dates back to days when people are kind because there is something to be used from one who us useful and kind –– there is news circulating right in what, Claudine had OVERDOSED and DIED. Wish lang ng some EVIL people!

“Claudine is very much alive and kicking and about to kick those who do not stop kicking and putting down one who already down. Please help inform others, thank you from God and yours truly, Inday Barretto,” sabi ng nanay ng aktres.

Tinanong din kami ng news reporter na nakatanggap ng mensaheng ito kung mayroon kaming narinig na ganitong balita kasi naghanap din daw siya sa social media at sa mga kaibigang reporter sa ibang TV network at iisa ang sagot nila, “Wala!”

Sabi namin baka silang mag-ina lang ang nakakaalam ng tungkol dito.

( Photo credit to claudine barretto oficial fanpage )

Read more...