Vice naging emosyonal sa interview kay Coco


Naging emosyonal si Vice Ganda habang pinanonood ang interview niya kay Coco Martin sa Gandang Gabi Vice noong Linggo.
Sa kanyang Twitter account, nag-post si Vice ng mensahe tungkol sa pagkakaibigan nila ni Coco.

“Watching my interview with Dengdeng (palayaw ni Coco) makes me so emotional right now. I realized na napakaswerte ko pala sa kaibigan. Haaaaay,” mensahe ni Vice.

Nag-trending din ang nasabing one -on-one interview ni Vice sa leading man ni Sarah Geronimo sa pelikulang “Maybe This Time” na showing na bukas sa 157 sinehan nationwide.

Dagdag pa niyang post, “Sabay na nagdilim ang paligid namin pero sabay din kaming sinikatan ng araw. #GGV3rdAnniversarySpecial.”

( bandera.ph file photo )

Read more...