Angel nag-sorry kay Maja, tinotoo ang sabunot at sapak


Nag-sorry naman daw si Angel Locsin kay Maja Salvador matapos ang “madugo” at “maaksiyong” eksena nila sa The Legal Wife na nag-trending (worldwide) sa social media last week.

Sey ni Maja, wala naman siyang balak gantihan si Angel sa tunay na buhay dahil sa tinamo niyang pasa at sugat dahil sa matitinding confrontation scene nila ni Angel sa kanilang show.

Chika pa ng aktres, pareho naman silang professional ni Angel at alam naman daw niya na masasaktan talaga siya sa mga nasabing eksena.

“Hindi maiiwasan na minsan madadala ka sa emosyon. Wala namang personalan. Parehas naman kami ni Angel na mahal namin yung trabaho,” ani Maja.

Kuwento pa ng girlfriend ni Gerald Anderson, pagkatapos na pagkatapos ng sabunutan at sapakan nila ni Angel, nagyakapan sila ng mahigpit, “Grabe yung yakapan namin sa isa’t isa tapos si Angel, sorry nang sorry.”

( Photo credit to angel locsin official fanpage )

 

Read more...