After Dingdong Dantes, will it be Richard Gutierrez and Kris Aquino next?
Nakipag-usap si Ms. Annabelle Rama with boss Vic Del Rosario of Viva para ipa-co-manage ang tatlo niyang anak na sina Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez for endorsements and events.
In her tweet, she is making it clear that for endorsements and events lang ito meaning for her children’s movie and TV projects, siya pa rin ang sole manager pati ang iba pa niya mga inaalagaang artista.
Tapos, nagpasalamat siya kay Kris sa pagtulong nito kay Richard in picking a pasalubong for her from New York, a Goyard bag.
Nagkaayos na pala ang dalawa dahil kung matatandaan, nagkaroon sila ng issue.
May isa tuloy na follower niya na nagtanong kung may possibility na magkaroon naman ng movie sina Richard and Kris at ang naging sagot ni Ms. Annabelle, malapit na raw.
This could be interesting dahil kahit ano ang mangyari, kapag natuloy ang Richard-Kris movie, maku-compare ito sa Dingdong-Kris movie ng MMFF na “Segunda Mano”.
We remember Richard has been planning to put up with his own film company noon pa and puwedeng makipag-co-produce si Richard with Kris para matuloy itong pelikula nila the same way Dingdong co-produced “Segunda Mano” with Kris.
Expect more on this sa mga susunod na araw.