Nasabi namin ito dahil napag-alaman nga namin na may isang magazine ang nagkainteres na i-feature ang anak niyang si Elmo.
Ang concept kasi ay mga loveteams na may potential na maging hit sa masa.
Siyempre, tinext ng magazine staff si Pia, tinawagan at in-e-mail pa. Pero hindi sumasagot ang nanay ni Elmo.
Dahil pressed for deadline, nakipag-coordinate ang staff sa soap opera ni Elmo who willingly allowed a few precious moments para ma-interview ang bagets.
All too suddenly, at kahit hindi pa man nag-iinit ang interview ay biglang sinabihan ang writer na itigil na ang kanyang panayam.
Si Pia raw ang nag-utos nito dahil wala naman daw permiso sa kanya ang interview. That said, itinigil nga ang interview.
Hindi ba nalektyuran si Pia ng mga PR ng GMA ng tamang diskarte when it comes to interviews?
Dapat sigurong malaman ni Pia ang kahalagahan ng publicity. It’s not enough that an artist has enormous talent. Kailangan ding makilala siya ng kanyang public.
Nagtataka lang kami dito kay Pia. Sa tinagal-tagal na niya sa industriya ay parang hindi pa rin niya alam ang salitang pakikisama. What’s one interview, anyway? Kawalan ba ‘yon sa pagkatao ng kanyang anak?
Well, bukas ang mga pahinang ito para sa explanation ng nanay ni Elmo, let’s give her a chance para klaruhin ang isyung ito.