Dingdong takot kay Marian, ayaw magpa-interview kay Heart


It seems na hindi pala talaga okay sina Heart Evangelista at Marian Rivera. Kasi, nabalitaan namin na tumanggi si Dingdong Dantes na magpa-interview kay Heart sa Startalk.

For reasons known only to him, inayawan daw ni Dingdong ang interview all because Heart will be doing it. Recall that two years ago ay nagkaroon ng away sina Marian at Heart where the latter alleged na ikinulong siya sa kuwarto ng una at pinagsabihan ng kung anong masasakit na salita.

Naimbiyerna si Marian dahil nalaman niya mula kay Heart na magiging leading lady ito ni Dingdong. Tila nagpanting ang tenga ni Marian upon hearing that coming from Heart’s mouth.

Ayun, hindi natuloy ang pagsasama nina Dingdong at Heart sa isang soap. Tila kumampi ang GMA 7 kay Marian. When Heart invited Marian sa exhibit niya kamakailan, hindi sumipot ang hitad.

Ang feeling niya siguro ay magagamit lang siya sa publicity ng exhibit ng dalaga. O, baka naman nate-threaten si Heart because she also paints. Mas nauna pa kasing nagkaroon ng exhibit itong si Heart kaysa kay Marian.

And now the rumors of Dingdong’s decision not to be interviewed by Heart. True ba, Dingdong, that you refused to be interviewed by Heart?

( bandera.ph file photo )

Read more...