Nagsalita kahapon si Vice Ganda sa The Buzz tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ng basketball player na si Terence Romeo, ang lalaking sinasabing nakarelasyon ng TV host-comedian.
Hindi diretsong inamin ni Vice kung totoong naging dyowa niya si Terence pero reading between the lines, mukhang may past nga ang dalawa.
Ayon kay Vice, nagkausap na sila ni Terence at nag-sorry daw ito sa mga lumabas na chika about them. Ito nga yung diumano’y statement ni Terence na kumakalat sa social media na dinedenay na naging lover siya ni Vice.
Bukod dito, naging usap-usapan din ang pahayag ng tatay ni Terence laban kay Vice. Sey naman ni Vice, kahit kailan ay hindi niya binanggit ang pangalan ni Terence Romeo sa kahit anong interview niya, pero inamin niya na magkakilala sila at naaawa siya rito dahil para ngang napaglalaruan siya ng netizens.
Ayaw na ring patulan ni Vice ang mga patama ng tatay ng guy, “Nirerespeto ko kung ano ang paniniwala niya. But I’m not so okay, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, pero huwag na lang dahil ayokong makapanakit ng ibang tao.”
Hirit pa ng comedian, pwedeng-pwede niyang idetalye ang lahat ng gustong malaman ng publiko tungkol sa isyu, pero wag na lang daw dahil tiyak na may mapapahiya at masasaktan.
( bandera.ph file photo )