NAKAKALOKA itong si Maegan Aguilar – hindi namin mawari kung saang lupalop ng mundo niya nakuha ang kanyang pag-uugali dahil kung bastos-bastusin niya ang amang si Ka Freddie Aguilar ay ganoon na lang.
Kung hindi naman sa tatay niya ay hindi niya mai-enjoy ang buhay prinsesang tinamasa niya minsan sa buhay niya. When Ka Freddie made big during his time – imagine nu’ng panahon nang kasikatan ng “Anak” that put his name sa world map and he was then raking millions and millions of pesos for that song, sino ba ang pinaka-nakinabang sa lahat, di ba si Maegan?
Kasi nga, siya ang nakilalang anak ni Ka Freddie at sa pagkakaalam namin, sa pagkasubaybay namin sa buhay at karera nila, she was so loved by her dad.
Ni hindi nga napag-uusapan ang ibang anak ni Ka Freddie – si Maegan lang ang tanging natunghayan namin. But you know, nag-iiba ang ihip ng buhay natin araw-araw at sa loob ng napakaraming taong dumaan, hindi na ganoon kadali ang mamuhay sa mundo.
As we age we learn a lot about life, at a certain point in time ay inuobliga na natin ang mga sarili nating magbukod dahil nakakahiya nang maging pasanin tayo ng ating mga magulang.
As much as possible ay ayaw na nating manghingi sa kanila – bagkus ay tayo na ang gumagawa ng paraan para tayo naman ang makapagbigay. Na tayo naman ang tumulong, di ba?
Hindi naman lingid sa kaalaman natin that it wasn’t all roses for Ka Freddie – siyempre, nagkakaedad na rin siya – hindi na ganoon kalakas kumita pero he never stopped working. Singing and performing are all about him, that’s his life.
Kung tutuusin ay hindi na niya kayo obligasyon talaga.Kung mag-extend man siya ng tulong pa sa inyo ay malaking bonus na iyon pero siyempre, as children, dapat ay kayo na rin ang umuunawa sa tatay n’yo.
Okay, nandoon na tayo – may batang asawa ang ama nitong si Maegan. What’s her problem then? May sari-sari tayong kaligayahang hinahanap sa buhay, meron tayong pagmamahal sa mga anak natin at ibang mga kamag-anak pero may hinahanap din tayong ibang kaligayahan from other people – pati ba naman buhay-pag-ibig ng ama niya ay kailangan pa niyang saklawan?
Maliwanag naman sa kuwento ni Meagan na she’s already 35 and merong anak. Meron pa yata siyang partner sa buhay at doon sila nakatira sa bahay ng kanilang ama.
Dapat ay marunong din siyang makisama sa loob ng tahanang iyon, she has to learn to accept many facts – na merong asawa ang kaniyang dad na dapat niyang pakisamahan dahil sa tahanang iyon, mas may karapatan ang asawa ni Ka Freddie compared to her dahil she’s of age already. She’s not a child anymore.
Kung meron kang topak, expect na meron ding topak ang ibang tao. Not because Ka Freddie’s wife is just 17 ay memenosin mo na siya – may karapatan siya sa bahay na iyan because she is your dad’s wife.
Kaya dapat ay matuto kang makisama – hindi puwedeng yung ganoon pa rin Maegan ang paiiralin mo sa loob ng bahay na iyon. Unless you are being maltreated or sinasaktan ka, ibang usapan iyon.
Pero looks like mas matapang ka pa nga sa ama mo kung magsalita ka, nobody would believe you pag sinabi mong inapi ka dahil mas mukha kang may kapasidad mang-api kung tutuusin.
For whatever personal reasons you have for being thrown out of that house ay very private lang dapat sa inyo iyon. Hindi mo na dapat ipinagsigawan iyan in public dahil walang ibang magdadala ng kahihiyang iyan kungdi kayo ring mag-anak.
Hindi ka ba naawa sa ama mo na kahit paano ay iniingatan din ang pangalan niya pero ganoon na lang kung sirain mo sa mata ng publiko? You called him names and what nots. Nakakaawa ang ama mo.
Pero in fairness to him, he’s such a gentleman para patulan ka pa. Dala na rin ng pagmamahal niya sa iyo kaya hindi na lang siya masyadong nagsasalita.
But what does that make you? Bad daughter! Iyan ba ang gusto mong imahe? Isang batang lumalaban sa kaniyang mga magulang?
Nalulungkot kami sa situwasyong ito ng mag-ama. Ayaw namin ng ganitong mga eksena actually. Honestly, galit kami sa mga anak na lumalaban sa kanilang mga magulang.
Kahit ano pang dahilan, dapat ay tayo nang mga anak ang umuunawa. Kung merong mga pagkukulang ang mga magulang natin, dapat natin silang pagpasensiyahan – ipaalam natin sa kanila ang tama nang maayos.
Hindi natin sila dapat sinisigawan, hindi natin sila sinasaktan. Maegan, wake up! Apologize to your dad for what you’ve said and done. It’s not too late.
Magulang mo pa rin iyan kaya kahit anong sakit ang naidulot mo sa kaniya ngayon, for sure he will understand. Stop destroying him because as you destroy him, mas ikaw ang nawawasak.
Pag wasak ka, wasak din ang kinabukasan ng anak mo. Please be kind to yourself by being kind to everyone most especially your dad. God bless you, Maegan.
( Photo credit to maegan aguilar official fanpage )