Darating ang pera (2)

Sulat mula kay Mila, ng Pandan, Antique Problema: 1.    Dati kaming overseas worker ng asawa ko.  May konting naipundar pero naubos din.  Nagkasakit ang asawa ko dahil hindi niya natagalan ang init sa Jeddah at hindi na siya pinayagang magpatuloy pa kahit gumaling siya.  Mabuti na lamang dahil ang kanyang foreman ay Pinoy kaya ipinakiusap na bigyan siya ng pera kahit paano nang may magasta naman siya pagdating sa amin. 2.    Pero, humina ang kalusugan ng mister ko nang dumating siya.  Kaya’t naubos din ang dala niyang pera at ang ipon ko.  Sa tulong kinaaniban naming sekta ay gumaling ang mister ko at balak naming bumaliksa Middle East.  Makababalik kaya kami?  Ang birthday ng mister ko ay Jan. 14, 1979 at ako’y Feb. 11, 1980. Umaasa, Mila, ng Pandan, Antique Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing matapos ang malaking kamalasan dulot ng pagkakasakit ng iyong mister, isang dambuhala at malaki ding suwerte ang inyong matatanggap, sa susunod na taon. Numerology: Ang birth date mo ay nagsasabing ang taon 2016, sa ika-apat na buwan, dilit iba sa buwan ng Abril, isa sa inyo ni mister ang makapaga-abroad. Ito ang magiging simula upang muling umunlad ang inyong kabuhayan. Matapos ang apat pang buwan, isa naman ang makapaga-abroad. Luscher Color Test: Upang magtuloy-tuloy ang suwerte at magandang kapalaran, lagi kayong gumamit ng kulay na dilaw at berde. Ang nasabing mga kulay ang lalo pang magpapaganda at magpapalago ng inyong kabuhayan. Huling payo at paalala: Mila, ayon sa iyong kapalaran, sigurado na ang magaganap, sa taon darating ganap ng mapapawi ang mga kamalasang sinapit ng inyong pamilya. Ang mahalaga, ipagpatuloy ninyo ni mister ang muling paga-apply sa abroad, dahil tiyak na ang magaganap – may ikalawang pangingibang bansang itatala sa inyong kapalaran na siya na ring magiging simula upang tuloy-tuloy na kayong umunlad, makaahon sa mga pagkakautang, hanggang sa yumaman, at sa aspetong pang materyal ay ganap ng sumagana.

Read more...