Kung exciting ang pelikulang “Maria Leonora Teresa” ay mas exciting ang kuwento ng katotong Ogie Diaz na manager ngayon ng teen actress na si Liza Soberano.
Sabi ni Ogie, muntik na pala siyang sapakin ni Coco Martin, ito’y dahil daw sa mga pinagsusulat ng ating katoto tungkol sa kanila ni Katherine Luna.
Nalaman daw ito ni Ogie nang magkasama sila ng aktor sa seryeng Walang Hanggan, “Kasi, parang hinuhusgahan ko raw siya kay Katherine Luna. Ito ‘yung nabuntis nga niya si Katherine.
Tapos, kung makapag-comment daw ako, nasasaktan daw siya,” bungad kuwento ni Ogie. “Doon (Walang Hanggan) kami nag-usap. Sabi niya, “Alam mo, galit na galit ako sa ‘yo noon, gusto kitang sapakin.”
Nagkaayos na naman daw sila at dito lang nakita ng katoto ang tunay na ugali ng aktor na sobrang bait, matulungin at walang ere sa katawan, “Kinuha ko nga siyang ninong sa pang-apat kong anak,” saad ng komedyanteng aktor cum manunulat.
Nabanggit din ni Ogie na sa pelikulang “Maybe This Time” ay maganda ang nabuong friendship nina Coco at Sarah Geronimo kaya sigurado siyang kikita ang pelikula ng bagong tambalang CoSa, “May sinusunod na kasing formula ang Star Cinema sa romantic-comedy o romantic-drama kaya gamay na,” kuwento sa amin.
Dagdag pa niya, “Alam mo buo na ang script namin, biglang naiiba pagdating sa set, kasi may naisip na naman sila. Tulad ko, may suggestion ako, nagustuhan, hayun kasama na at abangan ninyo ‘yun.”
Samantala, masaya si Ogie sa pelikulang “Maybe This Time” dahil full contract pala siya rito at hindi dalawa o tatlong araw lang nag-shooting, umabot daw siya ng, “Eleven days ‘yun, mare kaya full contract at masaya ako kasi halos lahat ng pelikulang kasama ako, usually two days o three days lang, ngayon, ninamnam ko ang 11 shooting days, hindi na ako per day,” say sa amin.
Sa mga TV project niya sa ABS-CBN ay guaranteed contract siya, “Ang tagal ko na naman sa ABS, 22 years na ako, so siguro naman tama lang din, ke may work ako o wala, may suweldo ako, tapos pag nag-expire contract ko at may kulang (bayad) pa sila, ibibigay pa nila ng buo.”
Kasi nga naman, mataas ang posisyon ng manager niyang si Ms. Cory Vidanes? “Hindi, si tita Cory, ano lang ‘yun, siya lang kasi ang kumakausap sa akin.
Kasi kapag pupunta ako kina direk Lauren (Dyogi), tita Linggit (Tan), sasabihin nila, ‘Punta ka na kay tita Cory.’ Ayaw nila akong kausapin, kaya sabi ko kay tita Cory, ‘Tita Cory, sa ‘yo na lang ako makikipag-usap kasi ayaw nila akong kausapin, kasi ang ending sa ‘yo rin pala ako babagsak, tapos sasabihin ni tita Cory, ‘O siya halika na.”
Ayaw sabihin ni Ogie kung magkano ang talent fee niya basta malaking tulong daw iyon sa pamilya niya kaya biniro namin kung umabot na siya sa isang milyon kada buwan, “Wow, how I wish, Reggee, actually, nakatanggap ako ng kalahating milyon taong 2005 kasi I had three shows then (wow English, huh!), dalawang everyday at isang weekly.
Mas malaki ‘yung dati kaysa ngayon,” katwiran sa amin.Ang malaking ipinagpapasalamat niya ay bayad na ang bahay na tinitirhan nilang mag-anak sa may Scout area, Quezon City at may iba pa siyang bahay pala sa Q.C., “Para sa mga anak ko ‘yun, kasi I have four kids,” sambit niya.
Kaya raw pinasok ni Ogie ang pag-aartista ay dahil, “Alam n’yo kasi kung pagsusulat lang ang hanapbuhay mo, hindi ka yayaman, hindi ka makakabuhay ng pamilya maliban na lang kung nagma-manage ka ng artista, walang yumayaman na reporter talaga.
Kaya kailangan talaga humanap ka rin ng ibang mapagkakakitaan. Apat ang anak kong nag-aaral, paano ko kakayanin ‘yun?”
( Photo credit to EAS )