Napoles dinugo sa sex


IPINAGPALIBAN ng korte ang nakatakda sanang paglipat ng tinaguriang reyna ng pork barrel  scam na si Janet Lim-Napoles mula sa Ospital ng Makati (OsMak) sa  Fort Sto. Domingo sa Laguna.

Ito ay matapos sang-ayunan   ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court Branch 150 ang hiling ng kampo ni Napaoles na payagan muna itong manatili sa ospital matapos makaranas ng pagdurugo, na ayon sa kanyang mga doktor ay dulot ng stress.

Sa pagdinig ng korte kahapon, sinabi ng isa sa mga doktor ni Napoles na si Efren Domingo na bagamat dalawang araw na siyang hindi dinurugo, kailangan pa niya ng limang araw bago siya makalabas ng ospital.

Ayon sa mga doktor ni Napoles, nagsimula ang pagdurugo ni Napoles noong Mayo 17. Naoperahan si Napoles noong Abril kung saan tinanggal ang kanyang matris at dalawang obaryo.

Samantala, hindi naman naiwasang itanong ng prosekusyon sa kampo ni Napoles kung posibleng sex ang dahilan bakit dinugo si Napoles.

Inamin naman ng doktor na maaaring “private, intimate contact” ang na-ging dahilan ng kanyang pagdurugo. Sinabi rin ni Domingo na hindi imposible na sex nga ang dahilan dahil “our patient is human, she has her urges.”

Gayunman, nilinaw ng doktor na hindi niya pa natatanong ang kanyang pasyente kung nakipagtalik ba ito matapos ang operasyon.

Read more...