INAKUSAHAN ng Human Rights Watch, isang US-based group, si dating Mayor Rey Uy ng Tagum City sa pagpatay ng mga 300 crime suspects sa lungsod mula 2007 hanggang 2013.
Hindi kapani-paniwala na si Uy, na malumanay magsalita at pino ang pagkikilos, ay mag-utos ng pagpatay ng maraming kriminal na tinawag niyang “sagbot” o masasamang damo.
Pero kung totoo man ang sinasabi ng Human Rights Watch, eh ano ngayon?
Hindi naman uma-ngal ang mamamayan ng Tagum City dahil sila ang nakinabang sa katahimikan ng lungsod noong si Uy ay kanilang alkalde.
Bakit tayo maniniwala sa paratang ng Human Rights Watch na walang imik kapag ang mga sundalong Amerikano ay nakapatay ng mga
inosenteng sibilyan sa Afghanistan at Iraq sa crossfire?
Bakit natin paniniwalaan ang Human Rights Watch, na nakabase sa New York City, nang nilinis ng da-ting Mayor Rudy Giulianni ang mga kalye ng lungsod ng mga masasamang-loob?
Nalinis ni Giulianni ang New York City ng mga kriminal na madalas ay di pangkaraniwang pamamaraan.
After all, ang pagsalvage ng mga masasamang-loob ay sini-mulan noong unang mga panahon ng New York Police Department (NYPD).
Hindi binubuhay ng NYPD ang mga cop-killers o mga kriminal na pumatay ng miyembro ng NYPD.
Ginaya lang ng Manila Police Department (MPD) noon ang NYPD noong mga ‘50. Pero isinama na rin ng MPD ang mga ibang pusakal na kriminal.
Bakit ang Davao City ay mistulang crime-free?
Dahil hindi ligtas para sa masasamang-loob ang lungsod sa teritoryo ni Mayor Rody Duterte.
Kung hindi sila nawawala na lamang na parang bula, nakikita ang kanilang bangkay sa maliliit kalye ng siyudad.
Pero may panahon nang ang Davao City ay pugad ng mga kriminal.
Ang mga residente ay takot na lumabas ng gabi dahil baka sila mahold-up o mapatay ng mga kriminal.
Ang mga kababaihan ay natatakot na mahipuan o magahasa.
Kahit na mga schoolchildren ay ninanakawan ng kanilang baon ng mga batang kriminal.
Ang bawal na droga ay lantarang ipinagbibili sa kalye.
Pero sa kaguluhan ay lumabas ang isang vigilante group na nagbigay kaayusan sa lungsod.
Ang vigilante group ay tinatawag na Davao Death Squad o DDS—may mga nagsasabi pa nga na ito ay Duterte Death Squad—ay naglinis ng lungsod ng mga sagbot o masasamang damo.
Binibigyan naman ng warning ang mga sagbot upang bunutin nila ang kanilang sarili sa lungsod; ang mga nagpawalang-bahala sa warning ay bigla na lang nawala o pinatay.
Hindi pinaligtas ng DDS ang mga pulis na nagbibigay proteksiyon sa mga kriminal; sila’y itinuring na mga sagbot din.
Ang mga residente ng Davao City ay maligaya; pati ang mga pulis ay maligaya rin dahil naging madali ang kanilang trabaho in maintaining peace and order.
Ang Davao City ay pinakamaunlad na siyudad sa buong bansa dahil ang komersiyo ay nabubuhay sa isang matahimik na kapaligiran.
Hulaan ninyo kung bakit mabilis at malakas ang pag-unlad ng mga negosyo sa Tagum City noong panahon ni Mayor Uy?
Dahil ang mga kriminal ng Davao City na tumakbo sa Tagum ay nadale rin ng vigilante group ng Tagum City.
Ang balita ngayon ay mahina ang negosyo sa Tagum City dahil bumalik ang krimen sa siyudad.
Dapat siguro ay bunutin ng bagong pamunuan ng siyudad ang mga masasamang
damo na ngayon ay kumakalat na sa Tagum.
Noong dekada ’90, madalas ang holdup sa mga bangko sa Metro Manila.
Maraming mga holdupper na naaresto pero nagpiyansa at sumali uli sa mga hold-ups.
Marami sa kanila ay napawalang-sala dahil binayaran ang mga judges na lumitis sa kanila.
O kaya ang mga prosecutors na nagsampa ng kasong robbery ay mahina ang ebidensiya na ipinrisinta na naging dahilan ng acquittal ng mga akusado.
Isang police official na kaibigan ng inyong lingkod ang galit na galit sa pagpapakawalang-sala sa mga bank robbers.
Sinabi niya sa akin na magtatatag siya ng isang squad na sasalvage ng mga corrupt judges at prosecutors.
Nagbago ang
kanyang isip; pero kung itinuloy niya ang kanyang balak ay marami sanang mamamayan na nakinabang.