Juday: Kailangan may movie kami ni Claudine!


OKAY kay Judy Ann Santos na gumawa ng pelikula kasama si Claudine Barretto. Naniniwala ang misis ni Ryan Agoncillo na isang dream come true para sa kanila ni Claudine kapag nakagawa sila ng isang movie together.

“‘Yung kay Clau, matagal na ring usap-usapan ‘yan na magkakaroon kami ng movie together. For me, it’s a dream come true na makakasama siya sa pelikula.

Parang feeling ko there should be a Juday-Claudine movie, ‘yun talaga ang pakiramdam ko.”Noon pa, kung pwede niyong i-recall ang past interview ninyo sa akin, ay nabanggit ko na siya,” chika ni Juday sa isang interview.

“So kung matuloy man siya eh ‘di good. Everybody happy,” dugtong pa nito. Hirit pa ng TV host-actress, “Walang magiging problema sa akin. Claudine is a friend.

Professional kaming magiging magkatrabaho and I think we deserve to give a good movie sa mga taong sumuporta sa amin simula noong bata at dalaga kami hanggang magkaroon kami ng asawa.

Deserve nila na makapanood ng magandang Juday-Claudine movie.”

( bandera.ph file photo )

Read more...