Tetay inaming nakipag-date kay Derek; Ipinagtanggol si Bistek


Follow-up ito sa nasulat namin dito kahapon tungkol sa nakitang nag-dinner date sina Kris Aquino at Derek Ramsay kasama ang magulang ng aktor sa Dusit Hotel, hindi naman ito itinanggi ng Queen of All Media.

Say ni Kris, “Yes I did, had dinner with Derek and his parents.” Ang dahilan ni Kris kung bakit hindi na siya nagpo-post sa kanyang Instagram account ng mga ganitong lakad nila ng aktor ay, “We chose not to take pictures because we want to protect our friendship.”

Kasi nga nabibigyan lang daw ng malisya. Samantala, tinanong namin kung totoong hindi type ng advertisers na nali-link siya kay Quezon City Mayor Herbert Bautista kaya lumayo na siya sa actor-politician, “No truth to advertisers objecting.”

At habang ka-text namin si Kris kahapon ay nasa Pico de Loro beach resort siya para sa taping ng Kris TV.

( bandera.ph file photo )

Read more...