(edited) P98M lotto jackpot nasolo ng taga-Cavite

TUMAYA sa Cavite ang nanalo ng P98.6 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 Huwebes ng gabi.

Ang nanalo ay tumaya sa Brgy. Tres, sa bayan ng Indang, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Isa lang ang tumaya sa mga lumabas na numerong 31-35-04-06-30-03. Nagkakahalaga ng P30.271 milyon ang itinaya para sa naturang bola ng 6/49.

Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 18 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P900 naman ang napanalunan ng 1,336 mananaya na naka-apat na numero at ang balik-taya (P20) ay 27,529.

Read more...