Dear David,
NATANGGAL ako sa trabaho dahil sa retrenchment. Pero nakakuha naman ako ng separation pay. Ano ba ang magandang negosyo para sa akin?
Bigyan mo sana ako ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong July 1, 1979. May tatlo akong anak. Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay.
Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.
ALLEN NG TACLOBAN CITY
Dear Allen,
MARAMING pangarap mo ang matutupad pero siyempre, marami rin ang mga mapupurnada. Kailangang magpokus ka lamang sa isang larangan. Taglay mo kasi ang mahiwagang No. 1.
Bahagi ng buhay mo ang matitinding dagok ng buhay, kailangang makatuklas ka ng solusyon dito, pero ang unang hakbang ay maging kalmante at panatag sa lahat ng pagkakataon.
Maraming kaibigan mo ang kusang tutulong sa gitna ng iyong mga suliranin kaya’t matuto kang makisama at umunawa sa mga taong nasa paligid mo. Taglay mo rin kasi ang mahiwagang No. 7.
Matalas ang iyong imahinasyon kaya’t pumasok ka sa negosyo na ginagamit ng magagarang desenyo. Puwede kang magtayo ng computer rentals at tumanggap ka ng mga layouting at iba pang serbisyo na ginagamitan ng magagarang desenso.
Lagyan mo ng gimik o kakaibang dekorasyon ang iyong puwesto. May naghihintay sa iyo na magagandang kapalaran sa 2014 at 2017 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan.
Buwenas ka sa buwan ng Marso, Hulyo at Oktubre lalo na sa mga petsang 2, 7, 11, 17, 23, at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes.
Kulay dilaw at berde ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 1 at No. 7 ang No. 4. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-5-11-18-23-27-34-37-40-42.
ASSET tips; 3-2-1/ 4-2-6/3-5-9. Wiretips; 4-7-2/ 1-6-7/ 2-4-5. Double digit; 3-6/ 8-3/ 1-5. Luzon guide; 1-5-11-18-22-28-34-36-40-42. VisMin; 1-4-11-18-22-27-34-37-40-42. MegaLotto: 1-4-11-17-22-27-34-37-40-42. Grand Lotto: 3-6-11-18-23-25-34-37-40-45-50-53. Four Number: 5-8-9-2/ 1-4-8-3/ 6-7-2-2.