May asawa pala (2) | Bandera

May asawa pala (2)

Joseph Greenfield - May 23, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lailani, ng Barangay Central, Dipolog City
Problema:
1.      Niloko ako ng textmate ko at nagpaloko naman ako.  Hindi ko alam kung bakit nadala ako ng lahat niyang kuwento, gayung sa barkada, ako ang mausisa at palaging nagdududa.  Sa unang eyeball namin ay kumain lang kami at namasyal.  Sa ikalawang eyeball ay kumain muna kami saka nanood ng sine.  Paglabas ng sine ay nagtuloy na kami sa maliit at malamig na kuwarto.  Ang sabi niya ay binata siya kaya hindi na ako tumanggi nang hingin niya iyon.
2.    Kinabukasan ay doon lamang ako nag-usisa at nadiskubre ko na may asawa na siya at may mga anak pa.  Inilihim ko sa kanya ang aking nadiskubre.  Nang mabuntis ako ay ibinalita ko agad ito sa kanya at naglaho na siya.  Pero nangako siya na maghahanap siya ng pera para sa panganganak ko.  Hindi na siya nagbalik.  Susustentuhan kaya niya ang bata?  Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang ina ako?
Umaasa,
Lailani, ng Barangay Central, Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius  (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan mo sa kasalukuyan ay malalagpasan mo rin ang mga ito hanggang sa dumating ang ikalawang pag-ibig na hatid ng isang Gemini.  Sa kanyang pagdating, habambuhay ka nang liligaya kahit pa sabihing magiging dalagang ina ka.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabi namang dahil likas kang mabait at mabuting tao, darating ang takdang panahong gagantimpalaan ka rin ng kabaitan at kabutihan ng tadhana. Mangyayari sa sandaling dumating na sa last quarter ng taon ding ito ang lalaking isinilang sa petsang 29.
Graphology:
Upang matiyak na sa ikalawang pag-ibig at pakikipag-relasyon ay hindi ka na luluha, ayusin at pagandahin mo ang nababoy at may malaking bilog na lagda sa unahang bahagi ng iyong pirma. Magagawa mo iyan sa pamamagitan ng pagsulat ng simpleng “M” na lang. Sa ganyang maayos at simple lagda, sa ikalawang pakikipag-relasyon ay habambuhay ka nang liligaya.

Lailani, ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon, okey lang ‘yan. Lilipas at mapaglalabanan mo ang pagsubok na nabanggit at kahit na maging dalagang ina ka pa, nakatakda na ang magaganap— isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo. At kahit na dalagang ina ka, wagas niyang mamahalin at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending