Thunder tambak uli sa Spurs

SA ikalawang sunod na laro ay tinambakan ng San Antonio Spurs ang Oklahoma City Thunder para makuha ang
2-0 kalamangan sa kanilang best-of-seven NBA Western Conference finals series.

Matapos manalo sa Game One, 122-105, ay muling nanalasa ang Spurs sa Game Two kahapon, 112-77, sa pangunguna nina Tony Parker na may 22 puntos at Danny Green na may 21 puntos mula sa pitong 3-pointers.

Nagdagdag ng 14 puntos at 12 rebounds si Tim Duncan habang sina Manu Ginobili at Boris Diaw ay umiskor ng tig-11 puntos mula sa bench.

Tulad ng Game One ay inatake ng Spurs ang shaded area at sinamantala ang pagkawala ng injured big man  ng Thunder na si Serge Ibaka.

Pumutok din ang outside shooting ng Spurs. Sa kabuuan tumira ng 9-of-23 (.391) ang San Antonio mula sa
3-point area habang ang Oklahoma ay may 2-of-20 (.100) shooting lamang.

Ang Game Three ay gaganapin sa Lunes sa kampo ng Thunder.

Read more...