Handang maging “alalay” ni Bimby si James Yap sakaling kailanganin ni Kris Aquino ang tulong niya kapag nagsimula na ang shooting ng anak para sa magiging entry nito sa 2014 Metro Manila Film Festival, ang “Praybeyt Benjamin 2”.
“Basta kung ano ang gusto ng anak ko, nandito lang ako para sa kanya,” ang nasabi lang ni James.
Magiging busy din kasi si Kris sa shooting ng sarili nitong entry sa MMFF, ang suspense-horror movie naman na “Feng Shui 2” kung saan makakasama niya si Coco Martin. Kaya ang tanong sa kanya kung okay lang sa kanya na bantayan si Bimby sa shooting nito pag wala si Kris?
“Of course, walang problema yun. Kasi yung unang movie niya, kahit ni isang beses ay ‘di ako nakapunta. Ngayon, kung puwede at kung papayag ang nanay niya…” chika pa ng PBA player.