Vice ayaw nang magdyowa, landi-landi na lang muna

VICE GANDA

Mariing itinanggi ni Vice Ganda na meron na agad siyang bagong dyowa matapos hiwalayan ang long-time boyfriend na pinaniniwalaang isang young basketball player.

Ayon kay Vice, totoong nakikipag-date uli siya ngayon pero landi-landi lang daw muna, wala munang seryosohang relasyon.

“Wala talagang bago. I swear. I think it’s okay to date pero wala munang relasyon. Gusto ko lang mag-enjoy. Siya (dating boyfriend) din naman gusto ko magka-girlfriend na. Maging happy siya kapag nambabae siya, gusto ko lang masaya lang,” paliwanag ni Vice sa isang TV interview.

Siniguro rin ng TV host-comedian na hindi na siya nagluluksa ngayon, mabilis naman daw siyang naka-move on sa break-up nila ng ex-BF, “I am surrounded by good people kaya masaya ako. Kaya kapag tinatanong nila ako kung heartbroken, hindi ako heartbroken. Naging sad lang ako kasi nawalan ako ng relasyon pero masaya ako, masaya kami.”

Read more...