Kathryn: Bina-bash nila ako, sobra-sobra!

AYAW na sanang magbigay ng komento ng ABS-CBN Teen Queen na si Kathryn Bernardo tungkol sa isyu sa kanila ni Julia Barretto. Bina-bash kasi ngayon ang bida sa seryeng MiraBella dahil sa softdrink commercial nila ni Daniel Padilla.

Marami ang nagtataka kung bakit hindi na lang si Kathryn ang kinuha para makatambal ni DJ sa nasabing TV ad. Siyempre nga naman, mas magiging happy ang KathNiel fans kung ang mga idol nila ang magkasama sa nasabing proyekto.

Sa isang interview, sinabi ni Kathryn na ayaw na niyang makisawsaw pa sa issue, “Hindi mo naman maiiwasan yun sa mga yun, basta may ma-issue lang sila. Ayokong magsalita du’n.”

Sa pamba-bash naman kay Julia, chika ng dalaga, “Lahat naman po naba-bash. Ako naba-bash sa Instagram, sobra-sobra. Pero part yun ng trabaho, you can’t please everyone.”

Sey pa ni Kath, hindi naman daw sila naaapektuhan ni Daniel ng nasabing issue, “No, hindi kami affected. Lahat naman ng loveteam laging may ganu’n, so okay lang po.”

Ayon pa kay Kath, OK sa kanya na magkasama-sama sila nina Julia at Daniel sa isang project, “Okay naman, open naman ako sa kahit sino, especially ‘pag another project with Julia Montes naman, or kahit na sino. Bahala na ang management.”

Read more...