Sulat mula kay Lailani, ng Barangay Central, Dipolog City
Dear Sir Greenfield,
Niloko ako ng textmate ko. At nagpaloko naman ako. Hindi ko alam kung bakit nadala ako ng lahat niyang kuwento, gayung sa barkada, ako ang mausisa at palaging nagdududa. Sa unang eyeball namin ay kumain lang kami at namasyal. Sa ikalawang eyeball ay kumain muna kami saka nanood ng sine. Paglabas ng sine ay nagtuloy na kami sa maliit at malamig na kuwarto. Ang sabi niya ay binata siya kaya hindi na ako tumanggi nang hingin niya iyon. Kinabukasan ay doon lamang ako nag-usisa at nadiskubre ko na may asawa na siya at may mga anak pa.
Inilihim ko sa kanya ang aking nadiskubre. Nang mabuntis ako ay ibinalita ko agad ito sa kanya at naglaho na siya. Pero, nangako siya na maghahanap siya ng pera para sa panganganak ko. Hindi na siya nagbalik. Susustentuhan kaya niya ang bata? Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang ina ako?
Umaasa,
Lailani, ng Barangay Central, Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Isang magulo, na pangit at nabiy
Itutuloy