May asawa pala | Bandera

May asawa pala

Joseph Greenfield - May 22, 2014 - 01:39 PM

Sulat mula kay Lailani,  ng Barangay Central,  Dipolog City Dear Sir Greenfield, Niloko ako ng textmate ko.  At nagpaloko naman ako.  Hindi ko alam kung bakit nadala ako ng lahat niyang kuwento, gayung sa barkada, ako ang mausisa at palaging nagdududa.  Sa unang eyeball namin ay kumain lang kami at namasyal.  Sa ikalawang eyeball ay kumain muna kami saka nanood ng sine.  Paglabas ng sine ay nagtuloy na kami sa maliit at malamig na kuwarto.  Ang sabi niya ay binata siya kaya hindi na ako tumanggi nang hingin niya iyon.  Kinabukasan ay doon lamang ako nag-usisa at nadiskubre ko na may asawa na siya at may mga anak pa. Inilihim ko sa kanya ang aking nadiskubre.  Nang mabuntis ako ay ibinalita ko agad ito sa kanya at naglaho na siya.  Pero, nangako siya na maghahanap siya ng pera para sa panganganak ko.  Hindi na siya nagbalik.  Susustentuhan kaya niya ang bata?  Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang ina ako? Umaasa, Lailani, ng Barangay Central, Dipolog City Solusyon/Analysis: Palmistry: May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.)  sa iyong palad. Isang magulo, na pangit at nabiyak  (arrow 1.) at isang maayos at magandang Marriage Line (arrow 2.). Ibig sabihin kung minalas ka sa unang pag-ibig, tiyak na sa ikalawang pakikipag-relasyon susuwertehin at papalarin ka na. Kaya ang masasabi ko lang sa iyo, darating din ang pusong magmamahal sa iyo nang lubos. Cartomancy: Okey lang na mawala ang mga walang kwentang lalaki sa buhay ng babae, dahil ayon sa mga barahang Jack of Diamonds, Queen of Diamonds at Eight of Hearts (Illustration 1.), ‘wag mo nang isiping babalik pa siya, dahil may bagong lalaking darating na mas higit pa sa kanya, mas may kaya sa buhay, tapat at panghabambuhay na.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending