Lebron, Heat binawian ang Pacers | Bandera

Lebron, Heat binawian ang Pacers

- , May 22, 2014 - 12:00 PM

INDIANAPOLIS — Kumamada si LeBron James ng anim na diretsong puntos para pamunuan ang isang 12-2 run na naghatid sa Miami Heat sa 87-83 panalo kontra Indiana Pacers kahapon at itabla ang kanilang NBA Eastern Conference finals series sa 1-all.

Ginawa ni James ang 12 sa kanyang 22 puntos sa ikaapat na yugto. Si Dwyane Wade ay nagtala ng 23 puntos, 13 dito sa first half kung saan kinailangan ng Heat na makadikit at 10 sa ikaapat na yugto kung saan nagsagawa sila ng ratsada.

Ang Game 3 ay gaganapin sa Linggo sa Miami.

Tinapatan naman ni Lance Stephenson ang kanyang playoff career high na 25 puntos para sa the Pacers. Si Paul George ay umiskor ng 14 puntos.

Naghabol ang Miami sa 73-69 may 7:19 ang nalalabi sa laro nang tumira si James ng 3-pointer at ginawa niya ang unang anim na puntos sa kanilang ratsada bago nalimita ng depensa ng Heat sa walong puntos lamang sa huling limang minuto ng laro ang Pacers.

Ang Miami ay nanalo ng 11 diretsong laro matapos ang isang playoff loss at hindi sila naghabol sa 2-0 sa isang serye magmula noong first round ng 2012 playoffs.

Naging pisikal din ang laro kung saan nagmistula itong isang football game lalo na sa huling yugto.

Nagkabanggaan ng tuhod sina George at Wade matapos maghabol sa loose ball subalit nagbalik sa paglalaro matapos ang isang timeout. Bumagsak naman si James sa sahig matapos ma-foul ni West kung saan tinawagan siya ng flagrant one foul sa ikaapat na yugto bago binago ito sa isang common foul matapos ang replay review.

Depensa rin ang naging tema ng Game 2.

Dalawang araw matapos hayaan ang Pacers na makaiskor ng 107 puntos, rumatsada ang Miami sa first half matapos na malimita ang Indiana sa siyam na puntos sa isang 10-minute stretch.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending