PINANINDIGAN ng Commission on Elections (Comelec) ang nauna nitong desisyon na diskwalipikado si Laguna Gov. Emilio Ramon “ER” Ejercito sa pag-ukupa sa kanyang puwesto dahil sobra-sobra umano ang ginastos nito noong 2013 elections.
Sa botong 7-0, pinagtibay ng Comelec na dapat tanggalin sa puwesto si Ejercito. Si Ejercito ang unang elected official na tinanggal sa pwesto ng Comelec dahil sa paggastos ng sobra-sobra sa halalan, ayon kay Comelec chairman Sixto Brillantes.
Nilinaw naman ni Brillantes na mayroong limang araw si Ejercito upang magpasaklolo sa Supreme Court. Inaasahan naman sa kampo ni Ejercito na hihilingin nito sa Korte Suprema ng temporary restraining order.
Paliwanag ni Brillantes, mayroong 1.5 milyong botante sa Laguna na maaari lamang gastusan ng P3 bawat isa base na rin sa Election Code.
Pero sa isang transaksyon pa lamang ay gumastos na si Ejercito ng P6 milyon. Si Ejercito ang tumalo sa kandidato ng Liberal Party na si dating Laguna Rep. Edgar San Luis.
( Photo credit to inquirer news service )
READ NEXT
PCG trainee todas sa heat stroke
MOST READ
LATEST STORIES