NASAWI ang isang babaeng trainee ng Philippine Coast Guard (PCG) habang sumasailalaim sa pagsasanay.
Sinabi ni PCG spokesman Commander Armand Balilo na nasawi ang trainee na si Vanessa Inte, 22, dahil sa heat stroke noong Linggo.
Idinagdag ni Balilo na nagsasanay si Inte sa headquarters ng PCG Northern Luzon sa San Fernando La Union nang makaranas ng heat stroke.
Aniya, dinala na ang labi ni Inte sa Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending