Electrical system


Isa sa kalimitang napababayaang bahagi ng motorsiklo ay ang electrical system. Kadalasan, natitingnan lang ito kapag nagkakaroon na ng problema gaya sa nangyari sa motorsiklo ng texter nating si …6002 ng Santa Maria, Davao del Sur.

Bukod sa headlight, hindi agad na nakikita ang problema ng mga electrical components na nagreresulta sa hindi na pag-aandar ng motorsiklo.

Nagsisimula ang electrical system sa battery installation. Kalimitang walang problema kapag bago pa ang sasakyan dahil dumaan ito sa pagsusuri bago ibinenta.

Kailangang palitan na ang baterya kung hindi na nito kayang magkarga ng kuryente; kapag umaandar ang motorsiklo at makapagbigay ng kuryente kung nakapatay ang motor.

Kung mali ang pagkakakabit ng baterya, maaaring magkaroon ng short circuit at sunog. Maaari ring mawala sa puwesto ang koneksyon ng baterya dahil sa dinaraanan ng motorsiklo kaya makabubuti na ito ay suriin.

Isa sa mga indikasyon ng mahinang baterya ang paghina ng tunog ng busina pero madalas naman itong ipinagwawalang bahala.

Indikasyon din na may problema ang electrical component ng sasakyan kung hindi ito kaagad umaandar sa electric start.
Ang liwanag ng signal at brake light ay nakadepende rin sa power supply kaya mapapansin din na humihina ito kung
may problema.

Kung magdaragdag naman ng ilaw sa sasakyan, na mabuting gawin lalo na kung madilim ang  dinadaanan, ay kailangang kumonsulta  sa electrician upang matiyak na  hindi magkakaproblema ang electrical system.

MOTORISTA
Gear assembly
ANO po kaya ang sira ng motor ko?  Hirap ikambiyo ang 125 2003 model.
AL, Cotabato City

BANDERA
DAHIL 2003 model pa iyan, maaari nang palitan ang buong gear assembly, para makatiyak.  Pero, pabuksan muna baka sakaling makuha sa pagpapalit ng ilang piyesa para pumasok ang gear combinations.  Kung lever clutch iyan, maaaring sa timing lang ang adjustment.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0906-5709843

Classifieds
Motor
TRIUMPH old model as-is 4K 0917-3622133

HONDA mini trail orig 10K 0917-3622133

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).

Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0906-5709843

Read more...