Jennylyn pinipilit ng ilang GMA 7 stars na traydurin si Marian


Wala raw “recruitment” na nagaganap kay Jennylyn Mercado and other female stars ng GMA against Marian Rivera.
May 30 na nga magtatapos ang Rhodora X nina Jennylyn, Yasmien Kurdi, Mark Herras, Mark Anthony Fernandez and Martin del Rosario sa TeleBabad block ng GMA.

Ito pala ang papalitan ng Ang Dalawang Mrs. Real nina Dingdong Dantes, Diamond Star Maricel Soriano and Lovi Poe first week of June. Bale isang linggo lang ang extra extension nito sa Carmela so it will run for 18 weeks.

Walang pahinga si Jennylyn dahil may dalawa pa siyang shows sa GMA including the Sunday show Sunday All Stars. Dito namin naitanong ng diretso kay Rhodora/Roxanne/Rowena kung totoong kinakausap siya ng ibang female stars ng GMA to side with them sa nangyayaring gulo sa mga ito against the GMA primetime queen na si Marian.

Natawa si Jennylyn at sumagot na walang ganoong nangyayari. The only reason friends siya with the other stars like Heart Evangelista, Lovi Poe and Carla Abellana ay dahil magkakasama sila sa SAS at kadalasan pa, sila ang magkakasama sa isang dressing room.

Mababait daw ang mga ito at never nilang pinag-usapan si Marian. Isa pa, before them, unang naging magkaibigan sina Jennylyn at Marian way back pa sa Super Twins where Marian played mother to Jennylyn and Nadine Samonte.

( Photo credit to jennylyn mercado official fanpage )

Read more...