Sarah, Bamboo, Lea ingat na ingat sa pagdya-judge sa The Voice Kids


Still on our Pop Princess, bubbly at “hagikhik” pa rin ang peg niya when we talked naman on her new stint sa magsisimulang The Voice Kids sa ABS-CBN.

Ayaw niyang sabihin na nakakalamang siya sa mga kapwa coaches na sina Bamboo at Lea Salonga pagdating sa pagpili ng mahusay na bagets hopeful bilang sa pagiging bata rin siya nagsimula as “kontesera”.

“Naku po, kung edge man yun ay dahil siguro fresh na fresh pa sa akin yung mga experiences ko bilang child contestant. Pero iba kasi ang pressure at atake ng mga kids ngayon.

Lahat sila magagaling, nagkakatalo na lang sa kung ano pa ang pwede nilang i-offer at kung ano pa ang hinahanap ng bawat coach,” paliwanag ni Sarah.

During the blind auditions kung saan nila pinili ang bubuo sa bawat teams ay talagang naging emosyonal sila, “Nagpapakiramdaman kami talaga kung sino ang unang iikot dahil as much as possible ay ayaw naming makita yung frustrations o disappointment sa mukha ng mga bata.

Good thing, well-oriented sila pati yung parents nila sa sitwasyon ng show. Malaking tulong yung may professional na child expert na nagbabantay din sa bawat sasabihin o ipapayo namin,” dagdag pa ng pop superstar.

Muli, kinunek ng marami sa present status ng puso ni Sarah ang show dahil pinili nito ang awiting “All Of me” ng Human bilang siyang theme song daw niya sa kasalukuyan. Hmmm, paano nga bang kantahin yun? Ha-hahaha!

Ay, nakakaloka rin ang mga kapwa Popsters noong Sunday sa programa naming “Chismax” sa DZMM Teleradyo.Talagang pinadalhan nila kami ng mga photos nina Matteo at Sarah kung saan makikitang ang singer-actress pa ang nakaakbay kay Matteo.

Kuha raw yun nu’ng Sunday sa isang event kung saan participant ang actor at big supporter naman si sarah. Sweet-sweet-an ang mga larawan at walang dudang pareho silang maligaya sa kung anuman meron sila.

Yun nga raw yata yung dahilan kung bakit wala sa ASAP noong Linggo si Sarah!

( Photo credit to the voice official fanpage )

Read more...