Magtalik nang magtalik

Sulat mula kay Quicay, ng Pilar, Capiz
Dear Sir Greenfield,
Matagal na kaming nagsasama ng asawa ko at kulang-kulang 10 taon na pero hindi pa rin ako nabubuntis.  Dalawa na kaming nagtataka kung  bakit hindi ako nabubuntis: ako at ang doktor ko.  Ang sabi ni dok, wala naman daw diperensiya sa akin at ang duda niya ay talagang hindi lang nagsasabay ang panahon namin ng asawa ko.  May pag-asa pa ba na mabuntis ako? Ang birthday ko ay Peb. 16, 1979 at Enero 14, 1977 ang asawa ko.
Umaasa,
Quicay, ng Pilar, Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Meron kang dalawang linya ng bata (Illustration 1. arrow 1. at 2.) na malinaw na nakikita sa iyong palad, tiyak ang magaganap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran – magkakaanak na rin kayo sa wakas ng mister mo. Ang mahalaga, magtalik nang magtalik, at umasang darating ang panahong makakabuo din kayo upang makumpleto na ang ligaya ng inyong pamilya.
Cartomancy:
Three of Clubs, Jack of Hearts at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ito hanggang 2015, isang malusog at cute na lalaking sanggol ang isisilang. Itutuloy

Read more...