NAGTALA si Juan Manuel Marquez ng kumbinsidong unanimous decision na panalo laban kay Mike Alvarado kahapon upang ilagay ang sarili bilang mandatory challenger para sa World Boxing Organization welterweight championship na hawak ngayon ni Manny Pacquiao.
Subalit ang 40-anyos na Mexicanong boxer ay nanatiling walang pasya kung sasagupain ang Filipino boxing superstar sa ikalimang pagkakataon.
“We’ll relax first. I don’t know at the moment, but any decision we make will be good for me, good for my family and good for the Mexican fans,” sabi ni Marquez nang tanungin tungkol sa sa posibleng paghaharap nilang muli ni Pacquiao.
Sinabi naman ni Top Rank CEO Bob Arum na interesado si Pacquiao na kalabanin ang magwawagi sa pagitan nina Marquez at Alvarado subalit nilinaw din ng Hall-of-Fame promoter na maaaring tanggapin o ayawan ni Marquez ang nasabing alok na magsagupa silang muli ni Pacquiao.
“I haven’t, and there is nothing contractual with the two fighters that are fighting Saturday, but they know I will offer the winner a fight with Manny and it’s up to the winner to accept or reject it. So that’s where we stand and if I hear that the winner will be interested in fighting Manny in the fall, and Manny has agreed to fight the winner, so I would say that once we got the terms straightened out it would be a done deal,” sabi ni Arum sa panayam ng boxingnews24.com.
Kung pumayag ang dalawa na magharap muli ang kanilang laban ay posibleng ganapin sa Macau, China ngayong darating na Nobyembre.