Para sa may kaarawan ngayon: Panahon na upang mag-madali. Sunggabang mabilis ang anomang uri ng pagkakaperahan. Sa romansa, mabilis na dahan-dahan ang susi upang makamit ang kaligayahan. Mapalad ang 4, 10, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Dosya-Om.” Pink at gold ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Hindi dapat tumunganga at mag-abang lang ng suwerte. Kung hindi palalaguin ang iyong salapi paano ka yayaman? Sa pag-ibig, kung hindi mo patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw mawawala din siya sayo. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Purple at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Kahit na nagpapaluwal ka sa mga kaibigan okey lang, sila naman ang nagiging takbuhan mo sa sandaling may mabigat kang problema. Sa pag-ibig, bakit ba hindi ka na lang pumili sa isa sa mga BFF mo upang hindi ka na masaktan? Mapalad ang 1, 4, 13, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om-Nameh.” Marron at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sundin ang pinapagawa sayo ng kasuyong Sagittarius para hindi ka nya kulitin. Sa pinansyal, sa pagsunod sa iyong minamahal, duon ka aasenso at magtatagumpay. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Asato-Om-Tomaso-Om.” Green at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Tuloy ang pasok ng salapi, kaya lang magastos ka! Upang umunlad matutong mag-savings. Sa pag-ibig, na sayo ang pagkukulang kaya hindi masarap ang romansa – galingan mo naman! Mapalad ang 1, 14, 22, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Iwasang magalit! Kung laging mainit ang ulo, lalayo ang grasya at lalong hihina ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, wag awayin ang kasuyo na lagi namang nangangakong magbabagong buhay na. Mapalad ang 4, 18, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Unahing tapusin agad ang mga bagay na pagkakapehan. Sa pag-ibig, ipaunawa sa kasuyo na kailangan nyo ng yumaman, upang matuto siyang magsikap. Mapalad ang 5, 14, 24, 33, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om-Dushta.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pinansiyal, mayaman ka na sana kung noon palang ay na-iwasan mo ng magtapon ng salapi sa mga walang kabuluhang bagay. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano nyo na ng iyong kasuyo ang matipid na pamimili para sa darating na pasukan. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: Om-Brahma-Aum-Namah.” Violet at lilac ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig sa pagiging tapat at totoo dagdag na ligaya ang makakamit. Sa pinansyal, suwerte sa produktong ideni-deliver at inilalako. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam-Om-Kebalam.” Pink at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Mas madaling yumayaman ang mga Sagittarius kung naka-expose sa lipunan. Sa pag-ibig, dalawa lang ang hantungan: kung hindi ka sikat, ang iyong mapapangasawa ang sisikat. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Pagtitipid at pagsisinop ng kabuhayan ang susi upang yumaman – gawin mo na ngayon! Sa pag-ibig, likas kang mapapalapit sa mga taong may birth date na 4, 13, 22, 31, 9, 18 at 27. Mapalad ang 6, 19, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Devah-Om.” Maroon at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Huwag maniwala sa mga pamanhiin at sabi-sabi. Kailangang maging praktikal ka upang yumaman. Sa pag-ibig, may lihim na pagnanasa sayo, ang isang katabi na nakasuot ng kulay green. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas din.
Pisces – (February 19 – March 20)— Habang bilog pa rin ang buwan, dagdag na materyal na bagay ang kusang darating. Sa pag-ibig, may napakasarap na romansang matitikman sa tabing dagat. Mapalad ang 7, 11, 20,k 29, 38, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Pink at white ang buenas.
HOROSCOPE, MAY 19, 2014
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...