Kris Bernal, Iwa Moto nag-aaway sa lalaki?

Nag-aaway ba sina Kris Bernal and Iwa Moto over Jay Perillo?

Late last week, Kris posted some intriguing tweets about friendship not being honored; Jay posting some exasperating sighs and Iwa just commenting anything.

Hindi namin ito nakunek-kunek hanggang marinig namin na nai-feature pala sa Showbiz Central last Sunday na sina Jay at Iwa na raw at nag-date pa sila.

Jay explained he and Iwa are practically related daw at ang best friend ni Iwa ay ang kapatid ni Jay but at this point, si Kris naman ang nagpaka-mysterious.

Asked if sila na ni Jolo Revilla, ang naging sagot ng magbibida sa Hiram Na Puso, basta kapag na-in love daw ulit siya, pipili na siya ng hindi siya sasaktan pati si John Lapus napa-side comment doon, ha.

Anyways, ito lang ang natatandaan namin, ang mga best friends noon ni Iwa ay ang mga friends nila noon ng kanyang ex na si Mickey Ablan like Bangs Garcia so first time din narinig ang pangalan ng kapatid ni Jay sa friends list ni Iwa – at nakiintriga pa raw kami, `no? Isa lang ang napansin namin sa usapang ito – Si Kris, mahilig sa tsinito like Jay and Jolo. Si Jay, mahilig sa – Starstruck? Chos!

Read more...