Sarah kay Coco: Sige na, yakapin mo ‘ko! Wag kang mahiya!


PANSIN agad namin ang suot na light peach suit ng actor na si Coco Martin sa presscon ng first movie nila ng Popstar na si Sarah Geronimo under Star Cinema, ang “Maybe This Time” showing on May 28. Bumagay kay Coco ang kulay ng suit kaya naging perfect for him ang outfit niya that night.

Kudos sa management team na nagha-handle ng career ni Coco na pati pananamit on every event at looks niya sa bawat role na ginagawa niya, e, talaga namang sakto palagi. Kaya pasado talaga siya na maging ka-partner ni Sarah.

Many are wishing for Coco sa presscon na maging super blockbuster ang “Maybe This Time” to further establish his stature in the industry. Marami rin kasing mga manunulat ang nagmamahal kay Coco na karamihan sa kanila ay nakilala na niya nu’ng struggling actor pa lang siya sa indie films.

Mahusay na ring magpaliwanag ng kanyang sagot si Coco every time natatanong sa presscon, huh! Para na rin siyang si Megastar Sharon Cuneta na kapag tinanong ng isa, kilometric na ang sagot.

Gaya na lang nu’ng tinanong siya kung ano ang bagong experiences niya working with Sarah again. “Sa Idol (una nilang teleserye sa ABS-CBN) kasi nagkatrabaho kami ni Sarah, medyo may ilangan pa dahil first time naming magka-work.

Sa movie namin, ako ang nabibigla sa kanya. Kasi noong mga unang araw namin, halos hindi ko siya mahawakan. Hindi ko alam kung paano kami magko-communicate, ano limitation ko.

“Noong mga sumunod na araw, medyo ako na ang nagugulat. Kasi, may mga eksena kaming kailangan…siyempre love story, may romance na eksena. Siya na ang nagsasabi na, ‘O, Co, yakapin mo ako.’

“Alam mo ‘yung nagkakaroon ako ng lakas ng loob, kasi siya ‘yung nagpapakita sa akin na parang, ‘Huwag kang mahiya. Okay ako, trabaho tayo, partner tayong lahat dito.’

“Sabi ko nga, ang lakas niyang katrabaho kasi ini-involve niya sarili niya sa project. Ipinapakita niyang, ‘Hindi ako si Sarah Geronimo rito, pantay-pantay tayo rito,” tuluy-tuloy na pahayag ni Coco.

O, ‘di ba, ang  haba ng sagot niya? At may sense, huh!

Obvious naman na super in-love ngayon si Sarah Geronimo. Kaya lang siyempre pigil siyang magsalita about her lovelife lalo pa’t si Coco Martin ang ka-partner niya sa latest movie niya sa Star Cinema, ito ngang “Maybe This Time” sa direksyon ni Jerry Sineneng.

Sabi nga ni Sarah, dapat lagi tayong in-love. In-love na mabuhay, at in love tayong maging masaya. “Masaya naman ako. Happiness is a choice. May mga bagay na pinagdadaanan tayo.

Hindi ko matukoy kung happiest kasi marami pa tayong gustong mangyari sa buhay natin,” say ni Sarah sa presscon ng “Maybe This Time” recently.

Kinabukasan pagkatapos ng presscon ng “Maybe This Time” ay muling humarap sa entertainment press si Sarah  para naman sa pagbubukas ng The Voice Kids na magsisimula na sa May 24.

Makakasama pa rin ni Sarah bilang hurado si Bamboo pero si Luis Manzano na ang host with Alex Gonzaga. For sure, makaka-relate si Sarah sa mga batang kasali sa The Voice Kids kasi siya man ay nalagay na sa ganoong posisyon noong araw.

Kontesera ‘yang si Sarah bata pa lang. “Nakikita ko nga po ang sarili ko sa kanila. I believe ito ang magiging strength ko at makakatulong sa pagko-coach ko sa kanila kasi pinagdaanan ko rin po ‘yan,” aniya.

Pagkatapos ng presscon ng The Voice Kids, hinayaan naman ng staff ng show na magpa-picture taking ang mga manunulat kay Sarah. Siyempre, hindi kami nagpahuli.

Nu’ng malapitan namin siya, kitang-kita sa mga mata niya ang sobrang pagod. Then we asked her kung nakatulog na ba siya? Tumango naman siya pero medyo nakangiwi.

Ang dating sa amin, gusto pa siguro niyang matulog nang mahaba-haba, e, hindi niya magawa. Then, we told her, kaya pala ang laki ng eyebags niya. Nakangiti pero malungkot na tango ulit ni Sarah.

See, kahit pagod na ang Sarah, ang sweet pa ring ngumiti.

( Photo credit to sarah geronimo official fanpage )

Read more...