Pauleen Luna nadamay sa Photo Scandal sa Malaysia


NAKAKALOKA! Nadamay pala ang Kapuso actress na si Pauleen Luna sa isang political scandal sa Malaysia. Naging isang malaking isyu roon  ang pagkalat ng sexy pictures ni Pauleen na napagkamalang si Dyana Sofya Mohd Daud, ang 27-anyos na political secretary ni Lim Kit Siang ng Gelang Patah Parliament na diumano’y may balak ding pumasok sa politika.

Kumalat sa social media ang larawan ni Pauleen na naka-two piece bikini katabi ang litrato ng secretary ng nasabing mambabatas sa Malaysia.

Pero sa isang official statement, dinenay nga ni Dyana, na siya ang nasa mga larawan. Ilang netizens din ang mabilis na nag-post ng kanilang mensahe sa social media at nagsabing si Pauleen nga ang nasa larawan na isang kilalang aktres sa Pilipinas.

“I am disappointed that people will act so low to tarnish my image for political reasons after rumors of me contesting spread. But I accept that good people will always be victimized,” ani Dyana.

Anyway, ayaw nang mag-comment ni Pauleen tungkol dito dahil wala naman daw siyang alam sa issue. Hindi rin daw niya alam kung bakit ang picture niya ang ginamit sa nasabing balita. Nakita namin ang sinasabing larawan, at kitang-kita naman ang pagkakaiba sa itsura nila, huh!

Samantala, nalalapit na rin ang pagtatapos ng afternoon series ni Pauleen sa GMA 7, ang The Borrowed Wife, kasama sina Camille Prats, Rafael Rosell at TJ Trinidad.

Sa taping ng serye somewhere in Quezon City, nakachika ng ilang member ng press ang mga bida sa programa at lahat sila ay nagkakaisa sa pagsasabing mami-miss nila ang isa’t isa ngayong malapit nang magwakas ang The Borrowed Wife.

Kung sweet na sweet ang dating ni Poleng sa noontime show ng GMA na Eat Bulaga, napakarami namang nagagalit sa kanya dahil sa pagiging effective kontrabida niya bilang si Tessa sa The Borrowed Wife.

Sey nga ni Pauleen, okay lang daw na ma-type cast siya sa pagiging bad girl sa mga teleserye o pelikula dahil nandiyan naman ang Eat Bulaga kung saan nakikita ng mga dabarkads ang totoong siya.

“Balanse kasi, araw-araw nila akong napapanood sa Bulaga na nagpapatawa, nakikipagkulitan sa mga dabarkads, kaya siguro hindi rin magawang magalit ng mga tao sa akin ng ganu’ng katindi.

Kasi, alam nila na trabaho lang ‘yung ginagawa ko. That’s why I’m very thankful sa Eat Bulaga kasi para siyang icebreaker, doon nila nakikita ‘yung totoo kong personality,” sey nito.

Of course, gusto rin ni Pauleen na mabigyan ng proyekto kung saan siya naman ang bida, pero hindi naman daw siya nagrereklamo na puro kontrabida role ang ibinibigay sa kanya ng GMA dahil nag-eenjoy din siya rito.

Aniya, lahat naman ng artista ‘yun ang pangarap, pero mag-iinarte pa ba siya, gayung hindi siya nawawalan ng trabaho sa GMA. Dagdag ng girlfriend ni Vic Sotto, basta ang mahalaga nabibigyan niya ng hustisya ang bawat role na ginagawa niya.

Ipinagmalaki rin ni Pauleen ang napakagandang samahan nila sa The Borrowed Wife, “Mababait lahat, walang pa-star, walang nag-iinarte. Puro lang kami chika, at ang pinakamaganda, walang may attitude so mabilis ang trabaho, walang masyadong stress.”
Sa nalalapit na pagtatapos ng Afternoon Prime series, promise ni Poleng, tiyak na tatatak sa mga manonood ang magiging ending nito, lalo na sa mga karakter nila ni Camille.

Napapanood  ang The Borrowed Wife, mula Lunes hanggang Biyernes sa direkyon ni Gil Tejada, Jr.Tungkol naman sa kanila ni Bossing, mukhang naniniwala na kami na malapit na silang magpakasal.

Naghihintay lang sila ng tamang tiyempo para maibandera ito sa buong mundo.

( Photo credit to EAS )

Read more...