Ai Ai, Bossing namigay ng pera sa mga Simbahan

NAKAKATUWA ang mahal nating All-Time Box-Office Queen na si Ms. Ai Ai delas Alas dahil ibang klase siyang magpahalaga ng friendship.

Hindi niya rin nakakalimutan ang kanyang nakaraan kaya naman patuloy pa rin ang pag-ulan ng blessings sa kanyang buhay.

At kasabay nga niyan ay hindi rin siya nakakalimot na magbahagi ng kanyang blessings sa kanyang mga kaibigan at sa ilang charity institutions.

Be it financially or morally, basta hindi siya nagdadamot mag-share ng kanyang blessings.

Natuwa ako kay kafatid na Ai Ai dahil a few days ago ay nakausap ko siya at tuwang-tuwa nga ang Comedy Queen kay Pokwang dahil nagpasalamat ito sa kanya dala ng suportang kanyang ibinigay sa pelikulang “A Mother’s Story” “Gusto kong dalawin si Pokwang sa kanyang celebrity screening.

Pagkatapos ng Fans Day ng My Binondo Girl sa Skydome ay pipilitin kong sumaglit sa Trinoma,” ani Ai Ai na sa pagkakaalam ko’y tumuloy sa premiere night ng movie ni Pokwang.

Tulad ni Pokwang, si Ai Ai ay galing din sa sing-along bars. Ai Ai started sa Music Box na siya ring pinanggalingan ni Pokey in a different time frame.

Kumbaga, alam ni Ai Ai kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng mga tulad nilang galing sa mga comic clubs bago nila narating ang anumang status nila ngayon.

Ai Ai has a soft heart sa mga tulad nilang mga komedyanteng galing sa sing-along circuit. Iyon ang parang wala kay Vice Ganda, kasi nga, pati si Ai Ai ay pinapatutsadahan nito ngayon.

Pero knowing Ai Ai, she knows how to fight her battles – pumapayag naman siyang pagamit kahit kanino basta ba positive pero sa isyu nila ni Vice Ganda, ayaw niyang mag-comment.

Ang palagi na lang niyang sagot ay, “God bless you more!” Bongga, di ba? Nakakatuwa sina Ai Ai and Bossing Vic Sotto dahil after kumita ng limpak-limpak ang kanilang MMFF entry na “Enteng Ng Ina Mo”, talagang they went out of their way para mag-pilgrimage last week.

Sinamahan sila ng kaibigan naming si Lito “Yanggaw” Alejandria para mag-Visita Iglesia sa 10 simbahan at nagbigay sila ni Bossing Vic ng donation sa mga parish priests ng bawat puntahan nilang simbahan.

Ganyan naman palagi si Ai Ai, she makes sure that part of her earnings goes to some charity works – sa simbahan, sa hospital at kung saan-saan para makatulong. Naging panata na niya ‘yan and take note, walang cameras iyon, ha.

Ayaw nga sana niyang ipabanggit ito kahit nabuking na namin pero sabi ko nga sa kanya, this is something great at positive para sa amin, this act is very aspirational kaya kailangang maipaalam once in a while sa public.

“Tuwing meron kaming pangangailangan sa hospitals na pinaglilingkuran namin, we call on Ai Ai for some help. Ilang milyon na ang naibigay niya sa mga hospitals dahil naaawa nga siya sa mga pasyente.

Ganyan ka-generous si Ai Ai,” sabi sa amin ni Dr. Becina na close friend din ni Ai Ai. Kaya hindi na dapat pagtakhan kung bakit ganoon ka-blessed si Ai Ai. Kungsabagay, hindi na bago sa amin ang pagka-generous ni Ai Ai. Lalo na sa members ng press.

Napakarami na naming mga writers ang nakapaglambing kay Ai Ai, kaming mga nagpoprodyus ng concerts ay ilang beses nang nakuha ang serbisyo niya na walang pinag-uusapang pera.

Sa ibang shows na lang siya bumabawi pero sa amin, halos gratis na nga. Ha-hahaha! “Minsan ay kinuha ko si Vice Ganda for a concert sa Metrobar. Ayaw niya dahil pag sa Metrobar daw gagawin ang show, siya raw ang nagpoprodyus usually.

Pag sa ibang venue naman mo siya kukunin, dami niyang tanong, kung ilan daw ang seating capacity, kung magkano raw ang TF niya at kung anik-anik pa. Kaming mga reporters na iyon, ha.

Kaya wala kaming ganang suportahan ang bading na iyan,” anang isang mataray na reporter na nagkuwento sa amin. Iba-iba ang personalidad ng bawat tao. Kung ano ang nakikita ninyo kay Ai Ai, huwag ninyong hanapin kay Vice.

Kung ayaw niyang sumuporta sa inyo, huwag ninyong pilitin. May kanya-kanya tayong oras sa mundo. Weather-weather lang iyan.

Darating din ang araw na kakailanganin niya kayo and when the time comes, tulungan n’yo pa rin siya kasi mabuting Kristiyano kayo.

Huwag kayong magtanim ng sama ng loob. Iyan ang isa sa palaging sinasabi ni Ai Ai, ang pagiging kind ay unconditional. In short, hindi nagtatanim ng galit si Ai Ai kahit kanino, kahit siguro kay Vice Ganda pero para palakihin ang anumang isyu sa kanila, hindi raw yan gagawin ng Comedy Queen. Anyway, ang “Enteng Ng Ina” mo ay extended sa mga sinehan ngayon.

Isang linggo pa itong mamamayagpag sa Metro Manila theaters bago ito umikot sa mga probinsiya para humakot pa ng salapi. Congrats and we love you, Ai Ai.

Read more...