Mainit si mr. (2) | Bandera

Mainit si mr. (2)

Joseph Greenfield - May 17, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay L.B., ng Tupi, South Cotabato  
1.  Kapag umuuwi sa gabi ay patang-pata na sa pagod ang katawan ko dahil manual ang trabaho.  Meron ding trabaho si mister.  Dahil sa labis na pagod ay wala na akong gana sa sex.  Pero, ayaw akong unawain ng asawa ko.  Bago matulog ay mamimilit siya.  At pagkagising ay gayun din.  Dahil sa pagod ay wala na akong nararamdamang sarap.
2. Nakikiusap na ako sa kanya pero natakot ako dahil nagbanta siya na magpaparaos siya sa ibang babae.  Gagawin kaya ng mister ko ang banta niya?  Magkakahiwalay ba kami? October 15, 1980 ang birthday ko at October 20, 1977 naman ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
L.B., ng Tupi, South Cotabato  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra  (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible at tugma naman kayo ng mister mong isinilang sa zodiac sign na Scorpio, dahil ang Libra at Scorpio ay magkatabi o magkapit bahay na zodiac sign. Ibig sabihin, anoman ang mangyari, sa buhay pang-sexual ninyong mag-asawa, hinding-hindi kayo magkakahiwalay.
Numerology:
Ang birtday mo at birth date ng mister mo ay nagsasabi tugma din ang inyong mga numero. Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Astrology compatible kundi ganon din sa Numerology. Ito ay malinaw na patunay na kahit na tanggihan mo ang iyong mister sa sex, dahil nga katuwiran mo ay sobrang pagod ka na at pata na ang katawan mo ay nais pa nyang makipag-talik, wala namang problema, dahil hindi naman niya magagawang iwanan ka. Tulad ng nasabi na, nakatakda na kayong magsama habambuhay.
Graphology:
Ang lagda ng mister mo na may malalaking lower loop o lower zone ang nagsasabing sa sandaling nai-convert ng mister mo sa pagkakaperahan at pagpapayaman ang kanyang sexual energy, ang energy o libido rin ito ang magpapaunlad ng inyong buhay sa aspetong pang-materyal. Kaya kumbinsehin mo siyang magnegosyo, at kapag nagawa nyong magnegosyo, makikita mo mga apat na taon mula ngayon mayamang-mayaman na kayo.
Huling payo at paalala:
L.B., ayon sa inyong kapalaran, tulad ng naipaliwanag na sa sandaling ang hilig ng iyong asawa ay nailipat niya sa gawaing pagkakaperahan tulad nga ng pagnenegosyo, na siya ngang dapat na gawin mo, ang kumbinsehin mo siyang magnegosyo ng mga produktong may kaugnayan sa pagkain, tiyak ang magaganap sa taon 2016 magsisimula na kayong umasenso hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending